Wednesday, December 24, 2003

Random Thoughts ng Batang Bangag


Ayoko ng sumakay ng jeep! Takte lahat ng usok tsaka alikabok ng daan malalanghap mo. Hindi lang yun, mapupunta pa sa mukha mo lahat ng elementong nagkalat. Dagdagan pa ng traffic na ubod ng haba ang pila ng mga sasakyan tapos yung mga pedestrian kung saan saan pa tumatawid. Ang saya 'no? Paskong-pasko ang dating.

-- Mukhang hindi magiging exclusive for the family ang Christmas namin ngayong taon. Tumawag kasi yung aunt ko pupunta raw sila dito kasama ang my OAOL (one and only lola) and some cousins. Parang reunion. Yan tuloy napa last minute shopping ng mga regalo yung nanay ko, isinama pa ko. Nadiscover ko tuloy ang bago kong talent-- pagbabalot ng mga regalo in a very short period of time. Sobrang bilis ko pala magbalot ng mga regalo. Mukhang ewan pero pwede na. Bubuksan rin naman kasi ulit e. Para lang maenjoy nila yung feeling ng pagbubukas ng regalo. Although, napakadali namang buksan nung mga binalutan kong regalo kasi cost-cutting sa scotch tape. Naalala ko tuloy...

-- Yung auntie ko na nagbubukas ng regalo pero super dahan-dahan para hindi mapunit yung wrapper tapos intact pa yung scotch tape. Yung bang bubuksan ng tamang-tama lang para masilip kung ano yung laman nung regalo tapos saka ibabalik ulit sa pagkakabalot. Magagalit pa pag bubuksan namin para sa kanya yung mga gifts. Weird no? Maiisip mo tuloy...

-- Kung gano na kahirap ang Pilipinas dahil pati gift wrapper nirerecycle na. Ano kaya bumalik sa'yo yung wrapper na pinangbalot mo sa regalo ng iba.. kewwwl. o kaya naman ipangbalot mo sa notebook yung krismas gift wrapper na gamit na. Yun ang pinaka astig na notebook sa buong mundo. Mas astig pa kesa dun sa mga notebook na ang cover e yung mga artista ng That's Entertainment. Pero wala ng aastig pa...

-- Sa notebook na ang cover ay si LA Lopez. Kung may mas aastig pa rito ewan ko na lang. Tapos sabay-sabay tayong kumanta ng Eh Kasi Bata yung theme song ng mga siga sa kanto.

-- Napahaba tuloy 'tong natype ko.

listening to: some senti music from a local radio station
mood: cloud 9
last thing I ate: rice and egg

No comments: