Sunday, March 21, 2004

I Loooooove Chem

Darn I think I'll flunk that chemistry exam. I don't know. I just think I would. Ok, so it was just a 50-item multiple choice exam... so what? I've never done so much panghuhula (future-telling) in my life. Ever. I studied the night before the exam until I accidentally shut my eyes, next thing I know, I'm in Dreamland. Still, I did much more studying morning before the exam. And dang... it just wasn't enough. Thermodynamics was especially hard. I can't remember it being that hard. It was much easier in high school when thermodynamics was discussed in Physics class. It's either the subject... or just my utter disgust for anything Chemistry.
Which brings back to mind my practical exam in Chemistry Lab last Friday which was, mind you, equally sucky but way, way moronic. I gotta tell you about that. You know how exams with stations, work. They're made for the cool, calm and collected (too bad I'm not one of those). You can't make it through the exam if your hands are all shaky and wet and clammy and your mind's in total blur for not having passed the last station smoothly and you haven't read the damn manual beforehand. I can't even mix a stupid solution in a test tube right! I just learned you're not supposed to stick a humongous stirring rod inside a test tube if you want to mix it correctly. Haha. That's what I did, me moron...

Oh anyway, I underwent an intensive detox program right after I got home yesterday, that is a whole night of watching Spongebob, Boston Public et.al. I need my vitamins to keep my sanity before working on my research paper due next week.

Friday, March 19, 2004

Tama ba namang gumawa ng eksena sa UP Health Service???

Bukas last departmental na sa Chemistry lecture. hmmm... mukhang di naman ako magfa-finals dun e. buti na lang. Di yata kakayanin ng powers ko ever ang aralin lahat ng inaral namin ngayong sem. gets? Imbis na nagaaral ako, eto stopover muna sa computer. feeling ko kasi masisiraan na ko ng bait kapag tiniis ko pa ang hindi pag iinternet. and besides, gusto ko makita ang bagong layout ni aylin. kahit na walang klase ngayon ang daming nangyari. hmmph. sad events...

1. physical exam. syempre late ako sa usapan. expected na yun pero (again) hindi ko sinasadya. 8 kasi usapan. 7:30 na ko nagising. pang number 13 tuloy ako. lucky number... NOT!!! yan ang umpisa ng kamalasan.

2. bago ko mag pa check-up kinuha ko ang aking height at weight. ewan defective daw yung scale. pero whatever! tumangkad ako ng 2 cm (wow pare parang ang laki nun?!) at bumigat by 0.5 kilograms. hmm... feeling ko braso ko lang yung tumataba. baka masyado ng nagaatrophy ang mga muscles ko sa braso (the triceps and the biceps). duh! di naman ako nagweweightlift ah. lahat yata ng kinakain ko sa braso napupunta. bat di na lang kaya sila mapunta sa glutes o kaya sa lactiferous gland ko (hindi ko alam kung tama 'to. wtf, tapos na exam. sana lang di rin ako mag finals sa anatomy) ?

3. pagkatapos kong kumuha ng height tska weight, inauscultate na ni dok ang aking lungs, breathing etc. may ubo pa naman ako... buwisit kasi si julius e hinawaan ako ng sakit niya(ang buwisit ay nagmula sa salitang espaƱol na buiz na ang ibig sabihin ay tax o tribute. buizit ang taong nagpapataw sa'yo ng tax). lahat naman ng papalaganapin niya sakit pa. buti na lang fit for enrollment pa rin ako.

4. katulad last year. hindi ulit ako nagpa breast, rectal, genital exam.

5. after 5 decades ayun nakuhanan na ako ng BP ng nurse. dami kasing intermission number e. chika dito chika doon pati sa telepono pati ako chinika.

6. tapos eto na... binigay ni julius yung invitation para sa debut ni jaymi. tapos sumunod, binigay ni mae yung invitation sa debut niya. at sa aking katangahan, nasabi ko kay mae yung surprise para se debut niya na hindi ko alam na surprise kaya nasabi ko sa kanya dahil akala ko alam niya. gets? basta yun. bottom line: i spoiled a surprise. di ko naman kasi alam na surprise yun. sa sobrang slow ko di ko magegets yun kung walang magsasabi sa kin.

7. shet pinaghandaan pala ng kuya ni mae at barkada ni mae (ayoko silang tawaging rave) yung surprise na yun. so, sinira ko ang isang surprise na pinaghandaan ng maraming tao. shet. how tanga could i get? you could just imagine kung gano ako nangliit nung nalaman ko yun. nangliit sa sobrang hiya... feeling ko nagalit sila lahat sa kin. sige, hindi man nagalit, badtrip naman. ewan. di ko maexplain. nag sorry ako. pero alam ko hindi yun sapat. surprise yun para sa debut ni mae, hello!? kahit ilang sorry di na maibabalik yun.

8. ako naman e madaling kausap. at mahilig ako mag sorry hehe. joke. pero hindi nga. tinext ko ang kuya ni mae kahit di ko siya kilala at di kami close. para lang mag sorry dahil sinira ko ang kanyang surprise. akala ko magagalit siya. hindi naman pala. ok lang naman magalit siya. pero ayoko yung sobrang nasira ko yung plano ng iba. mali e..

9. dahil nga mahilig ako magsorry (hehe), syempre nag-apologize ever ako sa kanilang lahat. nakakahiya. napaiyak pa ko sa UP Health Service. ewww... ang daming taong nakakita shit. bullshit talaga. may mga higher years pa dun. ewan ko ba nagpapapansin lang yata ako e. para mag mukhang under dog bwahahaha. habang umiiyak ako natatawa rin ako sa sarili ko. haaay.. nakakahiya talaga. ngayon wala na kong mukhang ihaharap sa health service.

10. nung bumalik na ang aking katinuan. umalis ako agad papuntang AS. magrereturn ng overdue na libro... kunwari! hehe. yuck ayoko nga mag stay dun sa Health Service. waaahh nakakahiya talaga shit shit (1 000 000 X).

Sunday, March 14, 2004

Celebration ng Test Week next week... Ready ka na ba?



daming ginagawa... daming ginagawa... (hingal) paper sa comm, test sa n3, field trip sa Golden Acres, test sa Histo, Proj sa Histo, test sa n3 lab tska sa chem <----- lahat yan para next week. waaahhh!!

Monday, March 08, 2004

Cute ng bago kong template no? Pink and girlie.. parang ako :)


My mind is in total whirlwind right now and I don't know why. This could be about a hundred things- #%$&^$%^ hormones, exams, papers, mixed emotions yadda yadda. I'm not sure. But what's eating me now is that I've been given my chance to accomplish a lot through a whole day of pre-announced "free cuts" (excuse me for borrowing the Atenean term)and yet I am still as unproductive as ever (surprise!). Scenes from the near future flash before me... tsk tsk. Not good, not good indeed.
Anyway, if anything, I am tired of hearing myself hate me for the same things I've been complaining about back last semester. Nakakasawa na paulit-ulit na lang, wala rin namang pagbabago. Besides doing considerable damage to my self-esteem, it isn't doing any good to anyone either. Although I may hate myself occasionally, I swear I won't complain about academic stuff ever, however unreasonable. After all, I am responsible for that and I would eventually do it anyway no matter how I complain. Garsh, all the complaining I've done in the past for nothing. Wasted.
And then, some sarcastic voice at the back of my head goes, "Right... keep telling yourself that." Sweet... just sweet.


Ask Yourself: "What makes me happy?"

Sunday, March 07, 2004

I hate myself



a. for being so laaaazzzzzzzzzzzzy
b. for being the procrastinator excellente
c. for watching too much tv (well, you can't blame me ang daming magandang palabas. sisihin ang mga tv stations)
d. for having an organizer
e. for falling asleep inthe midst of reading our PE handouts
f. for not studying chem kahit na malapit na mag exams
g. kasi wala akong ginagawa!!!

arrrgh! kaya tuloy minsan parang ang sarap na lang mawala bigla. mag vanish. mag disappear. haaay..

ang buhay ay hindi perpekto pero may mga perpektong sandali...

life's not perfect . there are only perfect moments that make life worth living.

- mula sa Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan-

Thursday, March 04, 2004

You sucks van't hoff


palagay ko, at walang pedeng mangialam, kelangan ko 'tong i-blog. kelangan kong isulat, itala, i-mark, lagyan ng tanda ang araw na ito dahil... hindi ako late! maaga pa nga ako. dahil pagdating ko konti pa lang yung mga tae este tao pala. mga 20 pa lang. 20 out of 70+ ha. yehey. tingin ko ito na ang hinihintay kong simula. simula ng pagbabago. simula ng panibagong kabanata. simula ng pagiging punktwal. mabuhay ako!
at nung akala kong yun lang ang masamang ugaling dapat baguhin... eto nanaman ang isa pa. isang di kanais-nais na paguugali ang nadiskubre ko sa aking pagkatao. oh well, at least i'm on the road to self-discovery and probably identity achievement in the far future (Marcia's Stages of Identity, year:di ko alam). focus. syempre tao lang naman ako. pero nakakainis pala talaga yung facet kong yun. ugali ko kasi hindi ako maka-hindi. kahit na alam ko namang ayoko. nakakainis. naku.. dapat na yang baguhin.
----------------------
maibang dako naman. kanina nagtusukan kami para sumirit yung dugo, pinagmasdan namin iyon hanggang sa tumigil sa pagdaloy at inabangan ang mga bayaning fibrin na dumating. labo no? in short, nag blood typing kami kanina. nakakakaba. nakakatakot. nakakaparanoid. nakakainis (yung mga masakit mag prick gamit ang lancet). pero masaya. parang nagkakaron na ng porma yung pagiging nurse namin. kung baga sa naglelabor na nanay, nakikita na namin ang ulo ng baby. kahit medyo bumbunan pa lang ok lang. at least alam mo na hindi na magtatagal makikita mo na ang baby, mahahagkan, mayayakap, makikiss. hmmm... ang bango ng baby.
Type O ako. universal donor. patunay lang ng mapagbigay at mabuti kong kalooban. ngayon. napakabigat ng bangko kaya ibababa ko na. saka na nga itong kahibangan. gagawa muna ako ng chem lab report.

*pakshet ka van't hoff pinagulo mo lang ang mundo. inincrease mo lang ang entropy ng magulo kong utak. *