Thursday, December 25, 2003

Punyeta ang lungkoooot!


Paskong-pasko andito ko sa tapat ng kompyuter nakikinig sa mga happenings sa kabilang bahay. Mukhang masaya pasko nila e. Complete family may bonus pa. Sa isa pang kapitbahay, ubod naman ng lakas ang TV nila. Gusto ko rin tuloy manood ng TV kaya lang hindi pwede kasi tulog na yung mga tao sa bahay. Pati nga pagtakatak ng keyboard kailangan mahina lang para hindi maka-istorbo. Kaya ito tuloy nagkokompyuter na lang ako. Wala na akong magawa. Wala pang makausap. Siguro lahat sila nagnonochebuena. Sobrang bagal pa ng connection ko- 28.8 kbps. Anong klaseng connection yun?
Ang tahimik sobra. Pinanindigan talaga yung silent night,holy night. Nakaheadphones ako pero tinanggal ko rin kasi naririnig ko naman kahit di ko ikabit.
Parang ang lonely... ewan.

No comments: