Monday, April 05, 2004

And I'm back in the game...
For some time, I hated my blog. I hated it so much that I wanted to delete it. Good thing, my internet account ran out and I didn't get to have the chance to do it.

Sibling Warfare
Bad trip. Mahaba-haba na rin yung na-type ko last week na come-back blog kaya lang sa buwisit ng nanay ko dahil sa sibling war namin binunot niya yung saksakan ng AVR. Poof! Syempre namatay yung computer. Ni-reboot ko kaya lang dahil sa sobrang inis at panghihinayang, tinamad na 'kong ulitin 'yon. Ang nakakainis pa nakagamit tuloy ng telepono ang ungas. Lumalabas, ako ang talunan. Arrgh. Pero ang weird kasi kahit na sobrang dapat mainis ako o di kaya naman magalit, wala akong naramdaman. Oo, medyo, nainis ako pero medyo lang. Hindi outrage katulad ng inaasahan ko sa ganong mga pagkakataon. Hindi ko tuloy alam kung immune na lang talaga ako, naging manhid na ko sa dami ng bagay na dapat kong ikainis o kaya talagang mabait lang ako, period. Sana lang..

No comments: