Thursday, March 03, 2005

randomness

randomness
i'm glad to be semi-productive these days. ahhh... ganito pala yung feeling ng nagsisipag. semi-sipag. hindi pa full blast. baka mabigla ako pag finull blast ko at lalo lang akong tamarin. o mas malala baka magkasakit na lang ako all together.

well anyway, kahit na anong sipag ko, parang hindi naman maubos-ubos ang mga papers na dapat kong gawin. tambak na nga yung revisions na kailangan kong i-accomplish e. sa larangang yan, medyo napag-iiwanan na ako.

ang coooool... inemail ko yung poet ng napili kong poem para sa humanities poetry reading/interpretation/analysis namin, si IMTIAZ DHARKER, some dudette from India who makes films and writes poems for a living. in all fairness multi-awarded siya. feeling close nga ako e. humihingi ako ng tips kung pano ko iiinterpret yung poem niya. best part is, nagreply siya. di niya naman sinagot query ko dahil medyo busy raw siya, pero nagreply siya yun ang mahalaga. astig sana kung nakuha ko yung sagot niya bago ako makapagrecite sa humanties. kaya lang tapos na ko magrecite at wala akong planong ulitin pa ang experience. i suck at public speaking, really.

nasusuka na ko sa template ko. >vomit<

No comments: