Thursday, February 12, 2004

A Tale of Two Sistahs


Mega bonding kami ng mga blockmates ko plus Kester kahapon nanood kami ng A Tale. Pero bago namin aminin sa aming mga sarili na A Tale ang dapat naming panoorin medyo mahaba-habang diskusyon, analysis at pagtuturuan muna ang ginawa namin hanggang sa mapagpasyahan naming gumawa na lang ng bunutan. Ako yung gumawa ng bunutan. Gusto ko A Tale ang panoorin dahil gusto kong matakot at alam ko naman na dalawa langa ng pwedeng mangayari dun. Matakot kami o kaya matawa. Pero hindi ko dinaya yung bunutan. Talagang A Tale yung lumabas kaya yun yung pinanood namin.
Actually, kaya kami dapat manonood para mag detox dahil sa sunud-sunod na exam. Kaya lang pagkatapos nung movie parang lalo lang kaming nawindang at hanggang ngayon pinagiisipan ko kung ano nga bang nangyari dun sa kwento nun.
Hinid mo tuloy malaman kung napakagaling lang gumawa ng storya kaya hindi namin maintindihan o kung talagang wala naman sense lahat yun pinagsama sama lang. Ewan. Basta natawa ako dun sa mukhang Sadako na pilay na distorted yung katawan na mukhang espasol. At hindi ako nagtakip ng mata kahit isang beses!

No comments: