Thursday, February 12, 2004

At last



Napanood ko na rin ang Spiderman. Hindi ko nga lang naumpisahan. Actually, patapos na nga nung mapanood ko e. Badtrip. Nang-asar lang. Hindi ko na siguro talaga mapapanood yan in full-length ever. HIndi ako masyadong natuwa kay Kirsten Dunst. Parang ang peke ng pag-arte niya dun. EWan. Basta di ko ma-explain. Ang pangit. Lalo na nung nagtititigan sila ni Tobey McGuire sa ospital. Parang nakakasuka. Naaalala ko si Carlos Agassi nung may teleserye pa sya dati. Para kasing ganun yung expression nung mata niya, katulad ng kay AMIR. Ewan ko lang pero sa totoo lang nakakaasar naman talaga yung mga leading lady ng mga superhero. Ang arte arte palagi. Padamsel in distress. Katulad ni Lana Lang (ewwww) at ni Mary Jane (ewww din).

No comments: