Friday, December 03, 2004

3 exams coming up next week!

3 exams coming up next week!
mainit-mainit pa. fresh from the mimeographing machine. yum yum. parang sinakluban ng langit at lupa ang susunod na linggo. sadyang isinumpa na magdala ng pasakit. ang pinakamasaklap pa nito, dalawang araw na walang pasok pero ni hindi ko man lang nabuklat ang mga notes ko at ang sangkatutak na readings at handouts na xerox. talk about major ka-ipokritahan.

ano ba yan, magpapasko pa naman. now i know... christmas is about giving... giving exams! harhar. funny because it's sad, sad because it's true.

umph! mukhang madedelay pa ang christmas break dahil sa dami ng suspended classes ngayong sem. tapos, hindi pa ako nakakapag-christmas shopping. at ang pinaka masamang balita wala pang christmas dough. meaning, i'm broke until god knows how long. christmases were a lot happier when i was younger.

btw, marunong na ko mag-injection! :D

No comments: