On Cue 2
Nitong mga nakaraang araw, sinubaybayan ko ang On Cue 2 sa Studio 23, tournament 'yon sa bilyar ng mga pinakamagagaling sa bansa at buong mundo. Ang bilyar pala parang Harry Potter, bawat wizard may wand, sa bilyar naman, bawat player may taco. Maghaharap sila sa isang billiards match na parang wizard's duel. Doon sila magtatagisan ng galing at talino sa strategy. Nakakamangha nga kung pano nila sukatin at tantiyahin yung ang mga angle sa pamamgitan ng taco at masusing pagsisiyasat. Nakakabilib din kung pano nila kontrolin ang cue, gayun din ang lahat ng mga bola para masunod ang gusto nila. Yung iba, minsan di pa nakukuntento, mageeksibisyon pa (eto yung mas wow talaga). Kaya lang, nakakalungkot kasi foreigner nanaman ang nanalo (parang nung On Cue 1) ng $20 000 (kaching-kaching)first prize.
Sa panonood ng mga ganitong contest, hindi mo maiiwasang maging bayas pabor sa mga kababayan. Siyempre mas gusto mong manalo si Bata, Pagulayan at Bustamante kaysa sa kay Strickland, Hohmann at Archer (pero gusto ko manalo si Immonen)sa isang tournament na tayo ang naghohost. Dito lumalabas at napipiga ang pagka-nationalistic natin. Mas proud ako nung naka-golden rack (pagbreak pa lang pumasok na yung 9 ball) si Pagulayan kaysa sa nung naka-golden rack si Archer kahit pa yung golden-rack na yun ang naging winning moment niya (sabay taas ng dalawang kamay na may hawak ng taco).
Kahit 4th si Bustamante at 2nd naman si Pagulayan, nakakainis pa rin kasi:
- Una at pinakanakakainis sa lahat, hindi ko nakita si Immonen! Hindi kasi siya pumasok sa finals at wala ni isang game niya akong napanood. Nakita ko na lang siya dun sa finals game (siyempre as guwapo as ever) sa may audience. Bakit kaya hindi siya pumasok sa finals, nag-champion naman siya nung isang taon?
- Pangalawa, wudyubilibit? Wala sa semis si Bata. Sabi nga nila, he played without his taco. Sa bagay, naguwi naman siya ng medalya nitong taon kaya baka nawalan na siya ng gana. Naliitan siguro masyado sa 20 000 buckeroos.
- Dahil hanggang past 7.30 PM na natapos yung awarding, walang X-men Evolution. Arrgh! Once a week na nga lang yun at papalitan na nga ng Mutant X di pa nila pinalabas!
Nakakainis talaga. Dapat yata eto yung second-most nakakainis ko.
-Ika-apat, sira yung Blogger on maintenance daw. Sana naman maayos na para maipost ko na 'to. Kpag nababasa niyo na 'tong blog ko na 'to ibig sabihin ayos na siya.
- Naghahanap ako ng Halloween Specials sa TV kaya lang wala. Anong nagyayari? Yun na nga lang ang tanging paraan ko ng pagcecelebrate ng Halloween tapos, wala pa. Nagsasawa na yata ang mga direktor na sa tuwing Halloween e may Halloween special. Ang tanging pag-asa ko na lang yung annual tradisyon ko na pagnood ng Magandang Gabi Bayan Halloween Special.
Yun lang naman. Sana matuto akong mag-bilyar yung magaling talaga parang si Black Widow (title ng isang babaeng magaling sa bilyar).
No comments:
Post a Comment