Sunday, November 09, 2003

Big Bang sa Balibago (title ba'to)

What an eventful weekend! It sure is a pretty big bang to end my sembreak (tomorrow I'll be waking up early for my major class arggh!). Last Saturday, my mom and I went to Sta. Rosa to buy some furniture for the house. I didn't Sta. Rosa was that far. According to marks on the highway, Sta. Rosa is about 38 kilometers from Manila. It seemed farther than that. We had to take a really long jeepney ride yung tipong lahat ng alikabok sa daan malalanghap mo na. Iwww talaga. Major iwww! Tapos eto pa, we had to ride a trike to Walter Mart. Feeling ko nga di dapat tinatricycle yung ganun kalayong distance e. Ang layo talaga. Di 'to exag! Tapos yung mga dadaanan pa mga talahiban. Finally, when you reach Walter Mart feel mo na di talaga worth it nung hirap ng pagpunta yung place. Pucha ang liit nung lugar para kang masusuffocate. Halos magkadikitan na ng balikat yung mga taong pumapasok. May mga stalls pang nakaharang sa gitna. Pero in all fairness, may Robinson's Department Store at Valuepoint pa sa ganong kaliit na lugar. Tapos may Abenson pa kung saan kami bumili ng furniture. In fairness ulit, ang laki nung Abenson dun. Kakaiba nga siya kasi nagtitinda sila ng mga home furniture e diba yung ibang Abenson electrical appliances lang ang tinda.

We arrived at Walter Mart around 4:30PM pero umalis kami sa Pacita ng mga 4:00 yata. As soon as we arrived, we went to Abenson. Grabe akala ko mabilis lang pumili yung nanay ko. Todo 7:30 na nung natapos siyang pumili. By that time, napanood ko na ng buo yung Finding Nemo napinapalabas sa mga TV dun sa appliance store. Thrice ko na napapanood yun. Tapos nung akala ko pang may napili na siya at magbabayad na, nagbago pa yung isip ng mami ko sabi niya hindi naman daw kasya sa bahay namin yung napili niya (our house is pretty small). Okei fyn diba.. Sige pumili pa siya ulit. Sobrang tagal talaga. Naupuan ko na halos lahat nung sala set na tinda nila at trip na trip ko yung isang couch na malaki na 22thou. Ang saya-saya upuan parag ayaw mo na tumayo. After 10 years, nakapili din yung nanay ko ng kakasya sa bahay namin. Syempre kaya nga niya ko sinama dun, para tanungin kung maganda ba ang kanyang pinipili. Ako naman siyempre ang sinasabi ko "Oo ikaw bahala ikaw naman bibili e". Sabay sabing "Alam mo pangit yan e kasi ganito, ganyan,eclavu,eclavu..". So in a sense, I was part of the reason why it took her forever to pick one that we both wanted. It was nearly 8 o'clock when we left Abenson's. After that, we went to the Department Store to buy new flops for me. Men,a ng tagal kong naghanap nang ganung tsinelas dun ko lang pala makikita sa maliit na lugar na yun!

After the Department Store, we had to stop by expressions to buy a new lesson plan notebook for my mom. At the bookstore, I met a batchmate, Mr. Frani. Feeling ko nga nagulat siya e kasi nung binati ko siya sabi ko "Hoy Ian!". Concentrated na concentrated pa naman siya sa pagpili ng binder. Jinoke ko pa siya kasi bibili na siya ng bagong binder. Sabi ko ang sipag kasi niya magsulat. It turned-out the filler was for his brother daw. Nakakapagtaka kasi magna 9 o clock na nun tapos nandun pa siya sa malayong lugar ng Walter Mart e taga Biñan pa siya. Hmmm... what have I got to do with that anyway?

On our way out to Walter Mart, my mom met a bus mate who was retired already. They made chika pa. Tapos nakakahiya talaga kasi sinabi pa ng nanay ko kung naong course ko at saan ako nagaaral chuva ek. As if big deal yun diba? Tapos buong mag-anak nung bus mate nung nanay ko andun pa. Iiiiii, nakakahiya talaga. I hate situations like that.

Syempre hindi pa tapos yung Sta.Rosa adventures namin. We waited a jeepney in front of Walter Mart. Apparently, no public jeepneys going to Pacita pass by there. Tinanong ko pa yung nanay ko "Sigurado ka bang dito sumasakay?". Syempre ikaw anak edi maniniwala ka sa sabi niyang "Oo naman. Dito ako sumasakay dati e". With a little bit of doubt I asked "E pumupunta ka ba dito?". She answered without a spark of uncertainty "Dati nung naniningil ako". Okei fyn so gumawa pa siya ng kuwento. For fear of making a scene at the sidewalk, I chose to keep my silence. Nang biglang sabihin niyang "Tumawid kaya tayo baka meron sa kabila". Aha! so, hindi niya pala talaga sure kung may jeep nga dun. Tapos pag dating dun sa kabilang side, wala pa rin namang jeep na Pacita dun, kaya bumalik na lang kami sa kabilang side ulit. Sabi ko nga e para kaming tanga, nakakahiya sa mga tao dung naghihintay ng masasakyan kasi tumawid kami para lang tumawid ulit. Gets mo? Hindi pala sigurado yung nanay ko kung pano umuwi.

We decided to take the trike back to the jeepney terminal in Balibago. Dun siguradong may Pacita na. At last after forever, nakasakay rin kami ng Pacitang jeep. Ang advantage naman ng gabi na umuuwi ay hindi na traffic. Thank God. On our way home, bumili muna kami ng lechon manok na ulam tska ice cream para naman consolation dahil napagod kaming pumunta ng Sta. Rosa.

* May isa pa palang advantage ang pagpunta namin dun, alam ko na kung papano pumunta ng Enchanted Kingdom from our house.

No comments: