Saturday, November 01, 2003

Billiards 101: Billiards for Dummies

Terminology:

Billiards- (bil-yards) ito ay isang laro na ginaganap sa isang parihabang lamesa na may mga butas sa apat na sulok at tig-isang butas sa magkabilang gilid kung saan ginagamit ang taco upang tamaan ang cue na siyang magpapakilos sa iba pang mga bola sa lamesa.

Ball-in-hand- (bol-in-hand) penalty sa foul kung saan binibigay sa kalaban ang cue at maari niyang iposisyon ito kung saan niya man gusto. Kapag nagkaron ng ball-in-hand matakot ka na kasi siguradong hindi ka makakatira para sa rack na 'yon.

Break- (breyk) unang tira upang kalatin mula sa pagkakaporma ang mga bola.

Bridge- (bridj) eto yung mahabang stick parang tako, see tako, pero yung dulo hindi manipis, kundi isang pirasong kahoy na may mga semi-circle kung saan kasya yung itaas na bahagi ng tako. Ginagamit sa hard-to-reach places. Madalas gamitin ng mga Pinoy sa tournament kasi medyo maliliit tayo. Hanggat maari iniiwasan ang paggamit nito dahil nagmumukha raw bombits sa bilyar yung gumagamit.

Carambola- (ka-ram-bola) mas sikat na tawag sa combination

Combination
- (kom-bi-nay-shun) kapag tatamaan mo ng cue ball yung isang bola pero yung isa pang bola yung papasok. Syempre dapat yung bolang tatamaan ng cue ball ay yung bolang dapat mo ng tamaan dahil kung hindi, foul yun, see foul. At mas maganda kung sa combination mo e 9-ball ang papasok.

Cue- (kyu) isang mahabang stick na manipis sa dulo at mataba sa bahaging hinahawakan. Ito ang ginagamit sa billiards at pool upang tamaan ang cue. Dito nagpapa-autograph ang mga fans sa kanilang mga idol. Ayon sa American Heritage College Dictionary, leather-tip daw ito.

Cue ball- (kyu-bol) ito yung puting bola sa billiards at pool na tinatamaan ng cue.

Foul- (fawl) nangyayari kapag hindi natamaan ang cue ball o di kaya naman kapag hindi natamaan ang bolang dapat tamaan (para sa 9-ball o 8-ball). Penalty dito ang ball-in-hand.

Golden Rack- (gol-den-rak) nagiging golden rack kapag sa pag break pa lang napasok na ang nine ball. ito yung winning moment sa On Cue 2 ni Archer. Nagawa rin ni Pagulayan sa game niya with Hohmann.

Kick-off- (kik-of) eto yung patatamain muna sa rim yung cue ball o kaya yung bolang dapat tamaan bago ipasok sa pocket.

Long shot- (long-shut) nanyayari o ginagamit kapag malayo yung bolang dapat tamaan

Nine-ball- (nayn-bol) tawag sa laro ng bilyar kung saan siyam lang ang bola (kaya nga nine-ball). Ang nine ball ay yung bolang may number 9 nanakasulat ito ay may dilaw na stripe na nakapalibot sa bola, kapag napasok mo ito panalo ka sa rack, see rack, na yon

Pocket- (pa-ket) eto yung mga butas sa mga sulok at magkabilang gilid ng billiards table, hindi ito bulsa sa damit (you boron!).

Push-off- (push-of) kailangan mo munang sabihin sa referee na titira ka ng push-off bago mo ito gawin kung hindi, magcocommit ka ng foul. Ginagawa ang push-off kapag gustong sumafety pero imposible o di kayang patamain ang cue ball sa bolang dapat tamaan. Push off dahil itutulak lang ng tako ang cue ball para sumafety.

Rack- (rak) eto yung katumbas ng set sa ibang sport. Ang isang rak ay natatapos kapag napasok na ng player ang 9-ball sa kung saan mang pocket. Kapag natapos ng isang player ang isang rak kanya ang score para sa rack na iyon.

Safety- (seyf-ti) legal shot na ginagawa para pahirapan ang kalaban. Pwedeng padikitin sa rim ng table ang bola o di kaya'y itago sa likod ng ibang bola nang sa gayon maging imposible ang pagtira rito. Marami pang uri ng safety magtanong sa eksperto.

Scratch- (skrach) uri ng foul na nangyayari kapag ang cue ball ay pumapasok sa pocket.

Soft-break- (sof-breyk) kapag swabeng-swabe at tamang-tama lang ang lakas ng pagbebreak pero may pumasok pa rin.

Tako- (ta-ko) mas sikat na tawag sa cue

Tiririt- (siyang baybay siyang basa) tawag ng mga Pinoy sa bridge. Hindi ko alam kung saan nagmula 'tong tawag na 'to. Baka naman pauso lang nila.


Sino si The Lion, The Scorpion at The Kaiser sa mundo ng bilyar? Abangan sa susunod na isyu ng Billiards 101: Billiards for Dummies


No comments: