Tuesday, November 11, 2003

F4ever waiting


After that long (and winding not to mention boring too) sembreak, we had to eventually face reality. Once again, we had to come back to dear Alma Mater. It took me about 15 minutes to finish the first two sentences. I, at this very moment, am witnessing the grandeur of F4's concert in Hongkong from a pirated VCD (children, don't try this at home). Apparently, I'm too distracted. Not that the concert was so damn beautiful but because I couldn't take my eyes off Jerry Yan's oh-so-gay performance. You should see his concert number for your own eyes. It was a song and dance number. The dance number came first. I would very much like to think that it's some kind of a national dance or something because the moves are, with no doubt, gay to the nth power. Okay, so how should I know? Promise. Even if your a 100% straight, I'm sure you can tell. The song number wasn't any guy-er. It was ... uggh over-terrifying. It sends shivers down my spine. Thinking about it gives me the creeps. They shouldn't have let hunky Jerry sing. Fans are living an illusion that Dao Ming Si can sing 'cause he can't. Everything I said (or wrote) is an understatement of the amazing Jerry Yan number, you should see it for your selves if you want to know how gay Jerry could get. I just hope he won't do that at his upcoming concert here. Fans would be very disappointed to see their hunky Dao Ming Si act (act nga lang ba talaga yon?) like a homo. I have nothing against homos. Let's make that clear. I love gay people. I really do.

Ken's next number was almost enough to make-up for Dao's crappy and quite disappointing number. I admit I'm a little biased but at least he played his own guitar and did not resort to lip synchronization for his short number. I love Ken. Even if he had to lip synch his way through the other group performances, he did it with such excellence that you won't even notice the fakeness. I love Ken. At least he doesn't dance gay dances. He doesn't even have a trace of gay blood on him. I love Ken. I think we're MFEO. I love Ken I love Ken I love Ken I love Ken I love Ken. I'm speechless and redundant already.

Ayan wala na tuloy coherence 'tong blog ko. Ang isusulat ko dapat dito yung tungkol sa ngayon, yung unang araw ng second sem namin. Going back, ano nga bang meron sa mga unang araw? Lahat naghahanda minsan pa nga naeexcite. Yung iba naman bago ang damit, pantalon o kaya sapatos. May nagpapapansin. Lahat nagpapabango ng papel sa ngalan ng first impression. Dahil second sem naman, konti lang yung nagpapapansin. Pero madalas pag baguhan ka yung tatakutin kayo ng mga prof pero syempre sasabihin nila "Hindi namin sinsasabi ito para matakot kayo. We're just saying this so that blah blah blah yadda yadda". Naknampucha natakot na e tapos babawiin pa. Natetensyon lang tuloy mga estudyante. Mapapabili tuloy ako ng Marieb ng di-oras. Kayo nga humusga, hindi ba pananakot yung sasabihing 10% ng batch niyo babagsak sa N3 at sana hindi ka kasama sa 10%. Naimagine ko tuloy nung moment na yun, ang dami sigurong nag-isip na hihiram na sila ng book sa Anatomy sa library pagkatapos ng lecture, kaya lang wala pang library card e, sori na lang. Buti na lang dahil first day, dinismis na kami agad dahil orient-orient lang naman ang ginawa. Kaya ayun sobrang haba tuloy ng break namin mga kulang-kulang limang oras.

Sana pala hindi ko na lang sinalang yung Disc 2 nung F4 concert na yun. Nasira lang ang imahen ni Ken sa 'kin. Isa rin pala siyang lip-syncher. In fairness, medyo nahirapan naman akong alamin kung naglilip-synch nga siya o hindi. Praktisadong-praktisado kasi e. Pulidong-pulido ang pagkakadeliver. Bias nanaman ako siyempre.

Sa limang oras na yun, nasuyod nanamin ang Robinson's. Binagalan na nga namin lahat ng ginagawa namin, katulad ng sabi ng isang kaibigan, para lang maubos ang oras. Binagalan naming maglakad, kumain, mag-cr (kahit na nauna pa rin ako kay Julius lumabas ng CR kahit binagalan ko na) lahat na binagalan namin pero wala pa rin isang oras pa rin ang natira. Nakakita na nga ako ng red Chucks for only less than 200 pesos at bibilin ko na dapat kaya lang wala ng size dammit talaga! Nakakalungkot. Tuloy nagpunta na lang kami ng OUR para magpastiker ng ID. Dahil 30 minutes na lang naman ang natitirang oras, nagpunta na lang kami sa AS. Tapos mali pa yung napuntahan naming room! Kaya pala walang tao dun sa room na pinuntahan namin. Nagtataka pa kami kung bakit wala pa yung mga kaklase namin yung pala asa ibang room. Buti na lang mayrong nagsabi sa min. Talk about stupid. Kahit na medyo matagal na rin kaming nag-aksaya ng oras sa maling room na 'yon pagdating namin sa tamang room ala pa rin yung teacher kaya mega hintay na lang ulit kami.

Sumasayaw na si Hua Ze Lei ng naka-tux. Sana kumanta pa ulit si Ken... at natupas ang wish ko dahil kumakanta na siya habang tinatayp ko tong mga salitang 'to. May bonus pa, nagsasayaw siya ng pseudo dance in a tux.


Kung aking babalikan itong araw na 'to puro pala paghihintay ang ginawa ko. Naubos ang buong araw sa paghihintay. Naghintay ng mga prof, naghintay maubos ang oras, naghintay sa pila ng classcards sa College of Nursing, naghintay na mabenta ang mga pases, naghintay sa kaibigan, ... Ang dami kong nasayang na oras. Sana itinulog ko na lang.





No comments: