Sunday, November 30, 2003

There's Something About Mary Erica

I wanted to write about a lot of stuff but I just can't organize my thoughts right now, maybe it's because of the pile of work I have to do and haven't even started a single damned thing or the stupid hormones. arrgh!

I don't have anything better to do so I guess I'll answer this one.

1. Name : Erica

2. Were you named after anyone? that cartoon/anime where the bida keeps on yelling the girl's name which happens to be same as mine

3. Do you wish on stars? I don't think I ever did. But I might do that soon to pass Chem14 (the most wonderful subject of them all)

4. Which finger is your favorite? the little pinky finger coz it's called pinky. I like pink (hehehehe bakla)

5. When did you last cry? I can't remember the exact date but it was the time I wrote this uber drama thing. ewwww.

6. Do you like your handwriting? Yep. Specially when the pen's neat and the paper is smooth

7. Any bad habits? talking a lot? (if that's a bad habit)

9. What is the most embarrassing CD on your shelf? Aegis (hahaha. discalimer: hindi sa kin yun)

10. If you were another person, would you be friends WITH you? I haven't thought about that but yeah.. I think so.

12. Have you ever told a secret you swore not to tell? Uhhmmm.. yep but everyone has done it right? And I was really guilty about it that I don't do it now (owwwsss?)

13. Do looks matter? For some people, looks matter a great deal. For me, yes it does but it doesn't have to be the only thing you see on other people.

14. Have you ever misused a word and it sounded absolutely stupid? My 4th yr English teacher could answer that. Shift + F7... you don;t have to trust it all the time.

15. Do you think there is a pot of gold at the end of the rainbow? Who thinks about those kind of things anyway?

16. Do fish have feelings? Nemo has feelings... and that fish Flounder from The Little Mermaid has feeling too. So I guess, fish have feeling just like dogs and cats and frogs.

17. Are you trendy? nah uh.

18. How do you release anger? I forgot how it feel like being angry.

19. Where are your second homes? Kareeza's house (Donna's house is a candidate though not much like a second home right now)

20. What was your favorite toy as a child? lutu-lutuan set and office-offisan stuff.

21. What class in school do you think is totally useless? CAT, back in high school

23. Have you ever been on radio or television? On radio, yes. I used to join contests. God, I miss those days.

25. Do you have a journal? Not counting my blog (which is kind of a journal but not so journal-ish), I hate journals especially if I write them.

26. Do you use sarcasm a lot? Uhhmmm...guilty.

27. Have you ever been in a mosh pit? No. I would want to be in one some time in the future (minus the sweaty bodies).

28. What do you look for in a guy/girl? Nothing in particular. Guess, I haven't pondered about that yet.

29. What are your nicknames? egay, egs and other parallel monickers

30. Would you bungee? Definitely

31. Do you untie your shoes when you take them off? No.

32. What are you worried about right now? That I might flunk Chem 14 (God forbid). That my history teacher would call me and ask me a question I haven't any single idea. Or that I would be late on Monday... Lots of things. I'm sick, these things don't usually worry me.

33. Do you ever wear overalls? Before, when I was this (demonstrates) small.

34. Do you think that you are strong? I'd like to think that.

35. What's your favorite ice cream flavor? Chocomint or anything that has chocolate in it.

36. What're your favorite colours? Periwinkle and mint green ( I like a little pink too.)

37. What is your least fav. thing in the world? Hipocrisy and Phony people

38. How many wisdom teeth do you have? Haven't got any

39. Are you in love with anyone? No.

40. Do you like the person who sent this to you? I just copy pasted this from the Big Moron.

41. How many people have a crush on you right now? Hahaha. That's a funny one. Ask people with thicker skin to answer that.

42. Who do you miss most right now? High school friends and a little of me... before.

Sunday, November 23, 2003


Last Friday, me and my girl friends had a MAJOR adventure at the Depot to buy the most perfect pair of Chuck Taylors ever. I bought the red hi-cut ones I've been dying to have for only 200 bucks. Isn't that shway? I'm the happiest person in the whole espanding universe. Even the heavy downpour and of course, the flood that was bound to follow that would not and could not upset me. Not even the über full bus we had to ride going to Ayala (it was so full that people who rode it literally got repelled out of the bus, you'd be better of riding an un-airconditioned Corimba bus) could not strike at the foundations of my noble-gas (family 8A) resembling configuration.

I thought I'd be contented having red Chucks, but no! I wanted more stuff to wear with it. I wanted a new skirt and a Paul Frank bag to complete the look. I have always believed that only prissy girls ranted about that kind of stuff. You know, clothes, accesories and other superficial things. But here I am hoping to have things I really didn't care about before. I'm afraid I've morphed into some kind of closet prissy miss. Ewwww... The thought scares me, sends shivers down my spine into my very coccyx. I might as well think it's all a part of growing up.

Enough of the paranoia. Right now, I'm just happy with my Chucky. We will walk together almost everyday. We will be there for each other. Me and my Chucky will love each other until we can love no more...

# I love my Chucks the best pair of shoes in the whole freakin universe.
This sucks bigtime! I wasn't able to save my supposed to be blog entry. I'm totally pissed off. Stupid me

Thursday, November 20, 2003

I'M BROKE! Got no dough, no moola, no cash... nothing to sustain my weekend spree. All I've got are tons of expenses on food, school stuff, school stuff and still more school stuff (photocopies of yadda yadda, books, fees, manuals etc.). I hate it. You know how it is when your saving up. Everything seems so expensive. One time, me and my friends had to share a glass of Sprite because we're all short on cash. So, how pathetic can you get? I can't think of anything much to say. I'm too perplexed (whatever that means, I just like the sound of the word). TTFN

Sunday, November 16, 2003

Eto na yata ang isa sa mga pinakamasamang araw na pwede mong maranasan dahil walang tubig!!!!!!! Pumutok daw ang bwakanavitch na tanke ng suibdivision namin. Pakshet diba? Mula madaling araw hanggang mga 6 ng gabi walang tubig. Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam. Masama pa nun, coke ang tubig namin ngayon naka-apat na litro yata kami. Malapit ng dumaloy sa circulatory system ko ang coke. Kpag nasugatan ako hindi na pulang dugo ang dadanak kundi itim na Coca-Cola. Hindi lang yan. Syempre kelangan mag-igib ng tubig, at guess who kung sinong nag igib? None other than, yours truly. Todo bomba (up and down motion of the lever of the water pump) ang lola mo. Kaya lang hindi naman nakayanan ng powers ko yung pagbitbit nung timba. Tinawag ko pa yung tito ko para buhatin yun. Lakas kasi ng loob ko pinuno ko pa yung timba di ko naman pala kaya.
Nakadagdag pa dun sa ka-hassle-an ng walang tubig ay yung ginagawa yung kisame namin. Ang kalat tuloy nung bahay. Ang daming tao. All in all, ang gulo! Kaya nagkulong na lang ako sa kwarto at nagbasa ng Marieb (yung Ana and Physio book namin). Nagpakahenya ako sa N3 (yung major namin). Thank goodness and his friendsters, may natutunan naman ako. Kaya lang pagdating nung topic na The Cell tinamad na ako dahil ilang beses na yung tinuro. Mukha na nga akong cell eh. Kaya, ergo, balik nanaman sa favorite hobby ko, pagtunganga!

Dahil walang tubig hindi na rin tuloy kami nakapagsimba kasi dyahe naman diba kung aalis ka ng bahay nang hindi naliligo? Sa totoo lang ngayon ko napag-isip-isipan na napakahalaga pala ng tubig. Dibale ng mag brown out basta may tubig. Totoo pala yung sinasabi nilang "You don't know what you've got till it's gone". Sobrang icky ng feeling pag walang tubig. Kasi naman ano kayang kab*b*han ang ginawa at pumutok daw yung tangke ng tubig ng subdivision namin.


*Yay! mag momonday na naman. Mababalikan ko na yung chucks na yun. Ayos. Sana may sizes na.




Wednesday, November 12, 2003

How many first days am I supposed to endure? I'm tired and exhausted too. Second days are even more tiring. I still have this reading to do and I haven't even started on a single page yet. What's even more irritating is that I missed several, take note several, shows today. Arrrghh!
I missed CSI, Malcolm, Still Standing and many more shows.

Because of very long breaks, my gastrocnemius muscles (legs) hurt due to long hours of hounding the mall. Luckily, I can still walk with less grace and poise though (as if I had that with legs in perfect condition).


Tuesday, November 11, 2003

Tell me if you read, liked, hated my blog let me know. Comment on my blog now.
F4ever waiting


After that long (and winding not to mention boring too) sembreak, we had to eventually face reality. Once again, we had to come back to dear Alma Mater. It took me about 15 minutes to finish the first two sentences. I, at this very moment, am witnessing the grandeur of F4's concert in Hongkong from a pirated VCD (children, don't try this at home). Apparently, I'm too distracted. Not that the concert was so damn beautiful but because I couldn't take my eyes off Jerry Yan's oh-so-gay performance. You should see his concert number for your own eyes. It was a song and dance number. The dance number came first. I would very much like to think that it's some kind of a national dance or something because the moves are, with no doubt, gay to the nth power. Okay, so how should I know? Promise. Even if your a 100% straight, I'm sure you can tell. The song number wasn't any guy-er. It was ... uggh over-terrifying. It sends shivers down my spine. Thinking about it gives me the creeps. They shouldn't have let hunky Jerry sing. Fans are living an illusion that Dao Ming Si can sing 'cause he can't. Everything I said (or wrote) is an understatement of the amazing Jerry Yan number, you should see it for your selves if you want to know how gay Jerry could get. I just hope he won't do that at his upcoming concert here. Fans would be very disappointed to see their hunky Dao Ming Si act (act nga lang ba talaga yon?) like a homo. I have nothing against homos. Let's make that clear. I love gay people. I really do.

Ken's next number was almost enough to make-up for Dao's crappy and quite disappointing number. I admit I'm a little biased but at least he played his own guitar and did not resort to lip synchronization for his short number. I love Ken. Even if he had to lip synch his way through the other group performances, he did it with such excellence that you won't even notice the fakeness. I love Ken. At least he doesn't dance gay dances. He doesn't even have a trace of gay blood on him. I love Ken. I think we're MFEO. I love Ken I love Ken I love Ken I love Ken I love Ken. I'm speechless and redundant already.

Ayan wala na tuloy coherence 'tong blog ko. Ang isusulat ko dapat dito yung tungkol sa ngayon, yung unang araw ng second sem namin. Going back, ano nga bang meron sa mga unang araw? Lahat naghahanda minsan pa nga naeexcite. Yung iba naman bago ang damit, pantalon o kaya sapatos. May nagpapapansin. Lahat nagpapabango ng papel sa ngalan ng first impression. Dahil second sem naman, konti lang yung nagpapapansin. Pero madalas pag baguhan ka yung tatakutin kayo ng mga prof pero syempre sasabihin nila "Hindi namin sinsasabi ito para matakot kayo. We're just saying this so that blah blah blah yadda yadda". Naknampucha natakot na e tapos babawiin pa. Natetensyon lang tuloy mga estudyante. Mapapabili tuloy ako ng Marieb ng di-oras. Kayo nga humusga, hindi ba pananakot yung sasabihing 10% ng batch niyo babagsak sa N3 at sana hindi ka kasama sa 10%. Naimagine ko tuloy nung moment na yun, ang dami sigurong nag-isip na hihiram na sila ng book sa Anatomy sa library pagkatapos ng lecture, kaya lang wala pang library card e, sori na lang. Buti na lang dahil first day, dinismis na kami agad dahil orient-orient lang naman ang ginawa. Kaya ayun sobrang haba tuloy ng break namin mga kulang-kulang limang oras.

Sana pala hindi ko na lang sinalang yung Disc 2 nung F4 concert na yun. Nasira lang ang imahen ni Ken sa 'kin. Isa rin pala siyang lip-syncher. In fairness, medyo nahirapan naman akong alamin kung naglilip-synch nga siya o hindi. Praktisadong-praktisado kasi e. Pulidong-pulido ang pagkakadeliver. Bias nanaman ako siyempre.

Sa limang oras na yun, nasuyod nanamin ang Robinson's. Binagalan na nga namin lahat ng ginagawa namin, katulad ng sabi ng isang kaibigan, para lang maubos ang oras. Binagalan naming maglakad, kumain, mag-cr (kahit na nauna pa rin ako kay Julius lumabas ng CR kahit binagalan ko na) lahat na binagalan namin pero wala pa rin isang oras pa rin ang natira. Nakakita na nga ako ng red Chucks for only less than 200 pesos at bibilin ko na dapat kaya lang wala ng size dammit talaga! Nakakalungkot. Tuloy nagpunta na lang kami ng OUR para magpastiker ng ID. Dahil 30 minutes na lang naman ang natitirang oras, nagpunta na lang kami sa AS. Tapos mali pa yung napuntahan naming room! Kaya pala walang tao dun sa room na pinuntahan namin. Nagtataka pa kami kung bakit wala pa yung mga kaklase namin yung pala asa ibang room. Buti na lang mayrong nagsabi sa min. Talk about stupid. Kahit na medyo matagal na rin kaming nag-aksaya ng oras sa maling room na 'yon pagdating namin sa tamang room ala pa rin yung teacher kaya mega hintay na lang ulit kami.

Sumasayaw na si Hua Ze Lei ng naka-tux. Sana kumanta pa ulit si Ken... at natupas ang wish ko dahil kumakanta na siya habang tinatayp ko tong mga salitang 'to. May bonus pa, nagsasayaw siya ng pseudo dance in a tux.


Kung aking babalikan itong araw na 'to puro pala paghihintay ang ginawa ko. Naubos ang buong araw sa paghihintay. Naghintay ng mga prof, naghintay maubos ang oras, naghintay sa pila ng classcards sa College of Nursing, naghintay na mabenta ang mga pases, naghintay sa kaibigan, ... Ang dami kong nasayang na oras. Sana itinulog ko na lang.





Sunday, November 09, 2003

Here's a movie funny review of the second funniest movie ever.

THE MATRIX REVOLUTIONS

Neo Superstar

Review by: Vives Anunciacion

Mr. Anderson is back. We missed the guy. In the long run, I think people will remember Agent Smith more than Mr. Anderson himself. In the Matrix Revolutions, the final installment in the sci-fi trilogy, Keanu Reeves returns as Neo, savior of Zion, prophet of peace, Prada trenchcoat manikin, Neo Christ Superstar.

Immediately reminding us where Reloaded ends, Revolutions begins with Neo comatose after his transfiguring encounter with sentinels. While the humans of Zion make a last stand against the hordes of Machine City, the rapidly-evolving Agent Smith makes his own ominous comeback, threatening to overrun both the Matrix and the realworld. The solution-- and the perplexing ending-- comes when Neo journeys to the heart of Machine City and makes peace deal with Deus Ex Machina in order to end the terror of Smith.

My summary goes this way: the Superstar is resurrected, and goes of to Mt. Doom to barter with the Wizard of Oz. Meanwhile, the Rebel Alliance vainly tries to stave of the attack of the Empire clones on Helm's Deep. Replicant Mr. Smith threatens the very Matrix itself by overwhelming it with his too many selves, but finally Superstar gets rid of Smith in a specatacular wirefu Anime-esque showdown ala Ghost Fighter. At which point we hear the Alleluiah chorus of Hendel's Messiah.

I kept waiting for a "Luke-I-am-your-father" moment but there was none. I waited for that "we-are-in-the-Matirx/this-is-not-reality" feeling after the movie, similar to what we all felt after the first movie was shown. Nada mas. I kept waiting, because I believed there is a bigger story to Neo. Just when the series started growing on me, we get a movie frantically rushing to meet its end. Revolutions is all action-- lots and lots of incredibly choreographed, visceral, relentless action sequences frenetically edited and atrociously scored (hence the musical reference in the review title) with surprisingly more confounding unanswered questions than apocalyptic revelations. I was expecting a huge pay-off after that embarrassment that is the Matrix Reloaded, but I felt more questions emerged from seeing the last (?) of Trinity, Morpheus and Neo. At least the Animatrix had more acceptable starts and ends.

I missed the old Oracle (Gloria Foster). I didn't like the replacement (Mary Alice). Ms. Foster passed away right after filming Reloaded, so she was replaced. Morpheus after yakking cryptic zen and profundityin the first two films, is practically mute in Revolutions.

Morpheus went from Buddha to Homer Simpson as fast as Neo can fly. And there just isn't any love in the eyes of Neo and Trinity, the poor girl. Yin and yang is the theme of the Revolutions, but the movie merely touched on the dualities of the characters to establish cosmic Karma of Scorched Earth.

Overall, Revolutions is an adrenaline-pumped, hyper-action movie that begins the series again instead of ending it, Armageddon-style.

No doubt, The Matrix Trilogy will leave a lasting mark in cinema, in part because of its weird open ending, but more so because of its contributions to visual effects.

Matrix Revolutions insists that everything that has a beginning has to end somewhere- we're just not told when exactly since The Matrix still exists after the Revolution. Neo will have his re-genesis, and he shall live forever and ever.


Big Bang sa Balibago (title ba'to)

What an eventful weekend! It sure is a pretty big bang to end my sembreak (tomorrow I'll be waking up early for my major class arggh!). Last Saturday, my mom and I went to Sta. Rosa to buy some furniture for the house. I didn't Sta. Rosa was that far. According to marks on the highway, Sta. Rosa is about 38 kilometers from Manila. It seemed farther than that. We had to take a really long jeepney ride yung tipong lahat ng alikabok sa daan malalanghap mo na. Iwww talaga. Major iwww! Tapos eto pa, we had to ride a trike to Walter Mart. Feeling ko nga di dapat tinatricycle yung ganun kalayong distance e. Ang layo talaga. Di 'to exag! Tapos yung mga dadaanan pa mga talahiban. Finally, when you reach Walter Mart feel mo na di talaga worth it nung hirap ng pagpunta yung place. Pucha ang liit nung lugar para kang masusuffocate. Halos magkadikitan na ng balikat yung mga taong pumapasok. May mga stalls pang nakaharang sa gitna. Pero in all fairness, may Robinson's Department Store at Valuepoint pa sa ganong kaliit na lugar. Tapos may Abenson pa kung saan kami bumili ng furniture. In fairness ulit, ang laki nung Abenson dun. Kakaiba nga siya kasi nagtitinda sila ng mga home furniture e diba yung ibang Abenson electrical appliances lang ang tinda.

We arrived at Walter Mart around 4:30PM pero umalis kami sa Pacita ng mga 4:00 yata. As soon as we arrived, we went to Abenson. Grabe akala ko mabilis lang pumili yung nanay ko. Todo 7:30 na nung natapos siyang pumili. By that time, napanood ko na ng buo yung Finding Nemo napinapalabas sa mga TV dun sa appliance store. Thrice ko na napapanood yun. Tapos nung akala ko pang may napili na siya at magbabayad na, nagbago pa yung isip ng mami ko sabi niya hindi naman daw kasya sa bahay namin yung napili niya (our house is pretty small). Okei fyn diba.. Sige pumili pa siya ulit. Sobrang tagal talaga. Naupuan ko na halos lahat nung sala set na tinda nila at trip na trip ko yung isang couch na malaki na 22thou. Ang saya-saya upuan parag ayaw mo na tumayo. After 10 years, nakapili din yung nanay ko ng kakasya sa bahay namin. Syempre kaya nga niya ko sinama dun, para tanungin kung maganda ba ang kanyang pinipili. Ako naman siyempre ang sinasabi ko "Oo ikaw bahala ikaw naman bibili e". Sabay sabing "Alam mo pangit yan e kasi ganito, ganyan,eclavu,eclavu..". So in a sense, I was part of the reason why it took her forever to pick one that we both wanted. It was nearly 8 o'clock when we left Abenson's. After that, we went to the Department Store to buy new flops for me. Men,a ng tagal kong naghanap nang ganung tsinelas dun ko lang pala makikita sa maliit na lugar na yun!

After the Department Store, we had to stop by expressions to buy a new lesson plan notebook for my mom. At the bookstore, I met a batchmate, Mr. Frani. Feeling ko nga nagulat siya e kasi nung binati ko siya sabi ko "Hoy Ian!". Concentrated na concentrated pa naman siya sa pagpili ng binder. Jinoke ko pa siya kasi bibili na siya ng bagong binder. Sabi ko ang sipag kasi niya magsulat. It turned-out the filler was for his brother daw. Nakakapagtaka kasi magna 9 o clock na nun tapos nandun pa siya sa malayong lugar ng Walter Mart e taga Biñan pa siya. Hmmm... what have I got to do with that anyway?

On our way out to Walter Mart, my mom met a bus mate who was retired already. They made chika pa. Tapos nakakahiya talaga kasi sinabi pa ng nanay ko kung naong course ko at saan ako nagaaral chuva ek. As if big deal yun diba? Tapos buong mag-anak nung bus mate nung nanay ko andun pa. Iiiiii, nakakahiya talaga. I hate situations like that.

Syempre hindi pa tapos yung Sta.Rosa adventures namin. We waited a jeepney in front of Walter Mart. Apparently, no public jeepneys going to Pacita pass by there. Tinanong ko pa yung nanay ko "Sigurado ka bang dito sumasakay?". Syempre ikaw anak edi maniniwala ka sa sabi niyang "Oo naman. Dito ako sumasakay dati e". With a little bit of doubt I asked "E pumupunta ka ba dito?". She answered without a spark of uncertainty "Dati nung naniningil ako". Okei fyn so gumawa pa siya ng kuwento. For fear of making a scene at the sidewalk, I chose to keep my silence. Nang biglang sabihin niyang "Tumawid kaya tayo baka meron sa kabila". Aha! so, hindi niya pala talaga sure kung may jeep nga dun. Tapos pag dating dun sa kabilang side, wala pa rin namang jeep na Pacita dun, kaya bumalik na lang kami sa kabilang side ulit. Sabi ko nga e para kaming tanga, nakakahiya sa mga tao dung naghihintay ng masasakyan kasi tumawid kami para lang tumawid ulit. Gets mo? Hindi pala sigurado yung nanay ko kung pano umuwi.

We decided to take the trike back to the jeepney terminal in Balibago. Dun siguradong may Pacita na. At last after forever, nakasakay rin kami ng Pacitang jeep. Ang advantage naman ng gabi na umuuwi ay hindi na traffic. Thank God. On our way home, bumili muna kami ng lechon manok na ulam tska ice cream para naman consolation dahil napagod kaming pumunta ng Sta. Rosa.

* May isa pa palang advantage ang pagpunta namin dun, alam ko na kung papano pumunta ng Enchanted Kingdom from our house.

Friday, November 07, 2003

I wrote this offline and I'm posting it now

November 7

At 2:21 AM and I'm still up and kicking. Considering, it's been a really full day. Me and my berks had an appointment yesterday to watch the Matrix. The appointment was set at 9:30 AM. At 9:00 AM, I was still at home because I overslept (again) and I'm f@*%ing coming from Laguna (1 1/2 hrs po ang travel time) pa! Don't it make you bummed when your always late even if you've promised to be early. God, I don't run out of reasons even if I don't want to. Arrgh! I hope this can be cured cause it's getting terminal.

I arrived at our meeting place around 11:00 AM then checked the screening times at the Customer Service, hoping that I could still make it before the movie was over. It struck me, right then and there: I didn't know where my friends were and there were 3 cinemas showing the Matrix. Darn! Why, of all times,is my phone not with me now? How in the world would I find them in three cinemas and a pretty big mall without a communication device even a coin-operated pay phone? After moments of relieving myself from panic in a KitKat bench, I decided to wait outside each cinema until my friends show up (the movies do not start and end at the same time). Two hours, a department store and a burger and fries meal later, I decided to go home cursing the day, feeling hopeless and extremely tired. When I was about to board the going down escalator, someone called me from behind. It turned out to be Sed (and my friends) who just finished watching the Matrix. Luck, luck, luck. It wasn't going to be a bad day after all.

Yep. I ended up watching the Matrix ('Twas Sed's and DK's second time. They can't get enough of Neo Superstar). It is the next best comedy flick ever after Matrix Reloaded and it was worth my 72 bucks. You should see it! It's got everything. You might not need to have your dose of movies for another month or so. Watch out for the Ghost Fighter (Eugene vs. Taguro) scene of Neo and Agent Smith (this was fun).

Monday, November 03, 2003

Drama sa Tunay na Buhay

Hindi ka katulad ng iba. Unique ka nga e. Hindi nakiki-ride. Hindi rin nakiki-uso (maliban siguro sa ilang bagay katulad ng Meteor Garden) pero syempre gusto mo pa ring malaman kung ano ang uso, kung ano ang balita. Hindi dahil makikigaya ka, kundi dahil gusto mo lang makiusiyoso, makibalita. Mas maganda kasi na pag-usapan na lang ang buhay ng iba kaysa sa buhay mo. Kapag buhay ng iba, pede kang magkomento na para bang alam mo ang lahat, na para bang perpekto ang buhay mo. Kapag buhay ng iba, pede kang magbigay ng advice na napakadaling sabihin pero napakahirap naman gawin. Napakadali para sayo'ng sabihing "Okey lang yan.." kahit alam na alam mo naman hindi okey ang lahat, kaya nga may problema e. Pa'no kasi, para sa'yo mga lasing o bangag lang ang nagkwekwentuhan tungkol sa personal na buhay. Puro kadramahan lang 'yan. Madalas mo pa ngang sabihin "Itulog mo na lang 'yan". Kahit na alam mo namang hindi mawawala sa mga panaginip ang mga problema bagkus ipinagpapabukas mo lang ang mga bagay-- procastination. Palibhasa 'di ka pa nakakaharap ng tunay na problema. Ang problema, para sa'yo, e yung mga napapanood lang sa telenobela. Kaya 'pag nandyan na, hala! Hindi mo na alam ang gagawin. 'Di mo malaman kung dapat bang tumakbo papalayo o magtago sa likod ng mga maskarang ginawa mo para paniwalain ang iba, pati na rin ang sarili mo na ayos lang ang lahat. Siyempre wala sa mga option mo ang 'call for help'. Ayaw mong malaman ng iba na pati pala ikaw may problema na rin dahil ayaw mong masabihang madrama ka. Ayaw mong ipakitang nanghihina ka rin pala. Kaya makakaisip ka ng iba't-ibang paraan para ilabas ang iyong sama ng loob nariyang maglayas, maglasing, magmall hanggang sa manakit ang paa o di kaya nama'y magsulat ng mga obrang katulad nito.

Kung dati natatawa ka sa mga madadramang tagpo sa pelikula o telebisyon, ngayon naman panay ang tanong mo sa sarili kung bakit hindi mo matawanan ang mga problema mo hanggang sa mangiyak-ngiyak ka na dahil hindi mo na alam ang gagawin. Bigla mong maaalala ang mga kaibigan mong nagtext ng "I'll be there for you no matter what" o kaya naman nung "Whenever you need me I'm here". Inisip mo kung talaga bang totoo yung mga sinabi nila. Inisip mo rin na kung sakali bang sabihin mo sa kanila yung problema mo ngayon, hindi rin ba sila matawa katulad nung ginawa mo dati? Sabihin din kaya nila sa'yo na "okey lang yan" kahit hindi naman? Hindi kaya makadagdag ka lang sa alalahanin nila? Baka naman pinalalaki mo lang din ang mga maliliit na bagay? Sa sobrang dami ng iniisip mo parang gusto mo na lang matulog para pag gising mo kinabukasan ayos na ang lahat. Pakiramdam mo gusto mo na lang mawalang parang bula. Sumama sa hangin at mga ulap. Pero alam mo namang imposible 'yon. Wala ka naman kasing magic o kapangyarihan. Kung pwede lang sanang magumpisang muli ginawa mo na. Kaya lang may mga bagay na hindi na mababawi kelan man. May mga bagay ring hindi pinipili pero kailangang pakibagayan. May mga pangyayaring hindi inaasahan.

Nagtataka ka na ngayon kung bakit biglang-bigla buhay mo naman ang nawindang. Wala ka namang ginawang mali. Wala ka rin naman inargabyado. At lalong wala ka namang kasalanan. Bigla na lang dumating nang hindi mo inaasahan. Minsan mapapamura ka na lang. @#$^!

Pwede mong tawanan ang lahat ng bagay pero ang drama sa totoong buhay... ewan ko na lang.

Saturday, November 01, 2003

Kapag Ginulo ka ng Pag-ibig...

Time to get cheesy now... Read this and tell me how you find it.

Marami kang iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto mong
malaman
ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan mo. Wala lang.
Magpapansin. Umasang may mag-rereply sa senseless thoughts mo.
Mag-advice.
Magsabing, "Oo.. naiintindihan kita.."

Pero ayos lang sayo kahit di nila basahin to. Bakit pa? Sino ka ba?
Nakakadiri. Ayaw mong tuksuhin ka nilang, "yuck!! Ang mushy mo pala!!"

Sa lahat ng kaibigan mong humihingi ng advice tungkol sa pag-ibig, ang
sinasabi mo lang palagi, "Tange, kalimutan mo na lang yang nararamdaman
mo.
Korni mo e. Ang OA mo pa. Guguluhin lang nyan
buhay mo." Ang sasabihin pa nila sayo, "Talaga? Buti ka pa, wala
kanglovelife. Di ka stressed. Di ka kinakabahan palagi --"

"At di ako mukhang tanga."

May na-offend ka na naman. Pero pakialam mo ba sa
kanila? Totoo naman a.
Tapos bigla mon g mare-realize, may problema ka na rin pala. Hayop
talaga. Gusto mong sumigaw. Bakit may nanggugulo na rin ng buhay mo
ngayon?
Ang dami mong crush, grabe. Yung isang classmate mo sa Math17, isa sa
Hum1,
dalawa sa Geog1, dalawa sa PE2, isa sa Math100 at isa sa Chem16. Si
Mike
Bravo ng Maroons, si George Chia ng Blue Eagles, si Kogore ng Shohoku.
Si
Dao Ming Shi at si Mei Zhuo ng F4. Si Enrique Iglesias. Si Legolas. Si
Ron
Weasley
Sixteen. Imagine!!

Pero di naman nila ginugulo ang buhay mo.Ayos lang di ba? Kaso may
isang
taong di mo maintindihan kung bakit kahit anong gawin mo, talagang
ginugulo
pa rin niya yung buhay mo. Para siyang mangkukulam. Kahit saan
nakikita mo
siya.

Inalis mo na noon yung pangalan nya sa phone mo. Kaso
sinulat mo pa rin yung number nya sa diary mo. Engot ka talaga. Tapos
nilagay mo ulit sa cell mo. Tapos inalis mo ulit kase nainis ka.
Naihagis
mo pa nga sa kama mo yung phone mo e. Tapos naisip mo wala rin namang
epekto kung nasa cell mo siya o wala. kaya nilagay mo na lang ulit.

Tapos binura mo na talaga ngayon. Panahon na para kalimutan na talaga
sya
--- naiisip mo. Okay na? Hinde. Mas malala.

Na-memorize mo na kase yung number nya. Tsk tsk tsk. Naaawa ka na
talaga sa
sarili mo.

Naiinis ka pa kapag sinasabi sayo ng mga kaibigan mo, "Nakita ko sya sa
A.S. kanina." Asar na asar ka. Sabay sigaw with matching facial
___expression,
"PAKEELAM KO?"At magtatanong sila ng isang tanong na matagal mo nang
hinihintay na sagutin sa harap ng maraming ta o: û"Baket? Ayaw mo na ba
sa
kanya?"

Tatahimik ka muna. Parang si Lei sa harap ni Tang Chin.
Magbubuntung-hininga. petertigan silang lahat na naghihintay ng sagot
mo.Biglang magkakaron ng split personality disorder, ngingiti at
magsasalita: "Sino yon?" Nagandahan ka sa ginawa mo. Effective. Wow,
para
talagang di na nya kilala.

Biglang makikita mo siya. Ayun. Mabubuwisit ka talaga. Maaalala mo
yung
mga panahong pinagmukha ka niyang tanga. Yung panahong kailangan mo
siya.
Yung panahong iniwan ka nya sa ere. Yung panahong tinalikuran ka nya.

Masisira ang araw mo. Wala ka sa mood makipagtawanan.
Sisigawan mo ang kaibigan mong natapakan ang white rubber shoes mo.
Gugustuhin mong balatan ng buhay ang lahat ng taong nagtatanong kung
bakit
ka wala sa mood. Hihilingin mong mong makapag-teleport ka papuntang
Egypt.

At bigla mong maririnig ang isa sa mga kaibigan mo, "Ganyan talaga pag
in-love." May background pang mga palihim na tawa. At sabay-saba y
silang
kakanta ng --- Why do birds suddenly appear.

Di ka makakapagsalita. Mararamdaman mong umiinit yung tenga mo, yung
leeg
mo, yung mukha mo. Bigla mong maiisip ang pinakaepektibong palusot,
ngingiti at magsasalita, "Sino yon?"
Ayos na sana, kaso di mo naisip na mali yung statement mo. At bago mo
pa
mabawi ang sinabi mo, sasabihin na nila, "Baket? Me sinabe bang
pangalan???
Yak!! Halata!!!"

Feeling mo masusunog na sa init yung mukha mo.

Kahit anong pilit mong kalimutan siya, mabilis talagang kumalat ang
balita. Minsan naglalakad ka. May masasalubong kang dalawang taong di
mo
kilala. Magbubulungan sila. titingnan ka, mula ulo hanggang paa, at
maririnig mo ang isang bulong: "Yan ba?"Grabe, ang ganda na naman ng
araw
mo. Di mo na lang papansinin. Kahit nakittylala mo na sila.

Isang araw naman nakikipagkwentuhan ka sa isang ka-block mo.
Gwapo.Niloloko mo pa nga tong taong to na siya na ang pinakagwapong
taong
nakita mo sa personal. Hehe, tawa nya. Ang saya-saya mo, biglang may
dadaan
sa likod mo na dalawang taong di sinasadyang naging pamilyar na
sayo.Lumingon ka, at pagtalikod mo, nagsalita ang isa:
"Pinagpapantasyahan
e no." Sasagot ang isa pa, "Oo nga."

Oh hindee!!! Anong nagawa mo??

matitigil ka na sa pakikipagkwentuhan. Aalis ka na lang na punung-puno
ng
sama ng loob.Naaasar ka sa lahat ng tao. Bakit kailangang pakialaman
ang
buhay ng taong ni hindi nila kilala? Bakit kailangang pagtawanan at
ipagkalat ang mga bagay na di na dapat pinag-uusapan? Marami pang
version
yung mga naririnig mo sa kanila. Minsan ganito, "Siya yun." O kaya,
"Ows?
Yan yon?" Hayop. Marathon eavesdropper ka kase.


Kahit ikaw mandidiri sa iniisip mo.

At matapos mong malaman ang lahat ng bagay tungkol sa
kanya, kahit yung nilihim nya at nalaman mo lang nung tapos na, naisip
mong
kalimutan na lang talaga siya.

One time nakipag-chat ka.

musta luvlyf?
meron b?
.wlang kwenta
ows? bkt?
:(
basta. wla syang kwenta.
mahal mo?
huh?
mhl mo p rn un.
weh
honestly, mhl m p rn ba?
argh!
ewan
wlang kwenta pero mhl mo.
tsk tsk

Matitigilan ka. tititigan mo yung monitor ng matagal.

am i ryt?
hey

Ita-type mo yung "gtg" nang di oras. May kasama pang "nys miting u"
para di
halatang nabwisit ka sa sinabi nya. Alt-F4.Disconnect. Shut down.

Asar na asar ka na talaga sa sarili mo. Di mo na gustong mag-teleport.
Gusto mo na lang talagang ma-dissolve sa hangin.

Ikaw na ngayon ang nangangail angan ng advice. Pero walang kwenta lahat
ng
sinabi nila. "Kalimutan mo na siya." PAANO? "Wag ka kase magpapaapekto.
Wag
mo isipin yung sinasabi ng ibang tao." HA?!? ANG LABO!!! "Marami pang
iba
jan." EH SIYA NGA LANG EH!!! Aasarin ka pa kapag sinabi nilang, "Bakit
di
na lang si _____? Yihee. Okay naman siya ah." Ngek, ano yun, ganon lang
kadali?

Nakatitig ka ngayon sa monitor. Pabalik-balik ka lang sa lyrics.com,
sa
CRS, at sa email composer mo. Nakakainis. Di mo na alam kung ano pa ang
sasabihin mo.

Tama, bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong pa, "Bakit
mo
ba yon mahal?" Wow pare, wala kang maisagot. Buti pa sa Math pwede kang
manghula ng formula, pwede mong paglaruan ang
solution mo. May partial points ka pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk.
Malabong mangyari yon.

At kung BS Love and Affection ang course mo, 'tol. mas
mabuti pang mag-shift ka na lang sa BA Emotionlessness and
Insensitivity habang maaga. Malamang magkita pa kayo don.

Paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mo na wala ka na
talagang pakialam sa kanya. Pero bakit pag nakikita mo siya,
natitigilan ka pa rin? Minsan, kaibigan mo na yung nagsasabi sayo, "O,
kala
ko ba wala na?"

Tatawa ka na lang. Lalakasan mo para di mahalata yung
teary eyes mo. Di ka na naman makakapagsalita. Litong-lito ka na. Di mo
alam kung bakit nga ba ganon. Kung bakit ka apektado. Kung bakit
nagbabago
ang lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto mo siyang bigyan
ng
nerve cells para maramdaman niya ang lahat. Lahat.

Ngayon, ipapadala mo to sa mga kaibigan mo, sa mga ka-block mo, at sa
iba
pang taong wala talagang pakialam sayo. Sa kanilang lahat, di mo alam
kung
sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na
mensahe. Di mo rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sayo. Di mo
alam kung sino ang maaapektuhan.

Somehow, gusto mong ma-disconnect ka na lang bigla.
Maubusan ng internet credit s. Sabugan ng pc. Mag-brown-out.
Biglang mag-collapse. Umiyak. Malunod. Maging ipis. Uminom ng
Skele-Gro.
Mabagsakan ng asteroid. Maglahong parang bula.


Kase, tama yung sinabi ng naka-chat mo. Sinasabi mong walang kwenta,
pero
mahal mo.

Sobra.

pag may taong nagmamahal sayo ayaw mo aminin na nahuhulog ka sa kanya..
natutuwa ka pag andyan sya, pero ayaw mo ipahalata.. pano na lang kung
umiwas siya? di mo rin ba aaminin na nasasaktan ka?

* mula sa e-mail ni Dan
Sino ang Tunay na Bading?


According to Erik Erikson, a psychologist, a person has to resolve certain crises along his life span development. He defined this crises in his 8 psychosocial stages. But I'm not about to elaborate on all 8 now. It will be too boring thus, defeating the purpose of my blog.

Along with the painful process of adolescence is the whole establishment of identity thing people have to hurdle. While most pass with flying colors, others are left behind dealing with identity crisis which is, mind you, very real and diffucult. Sometimes when identity crisis is not dealt with properly, it can give rise to problems that can make one's life all the more complicated.

Girls and boys alike go through identity crisis. But boys, being the tougher beings that they are, need to deal with a lot more like machismo and stuff regarding their sexuality (hah! lucky us).

These might help you gauge maleness(or gayness):

1)lalaking-lalaki- the true man inside out. Any kind of provocation could not shake his identity. He's your stereotypical male species and the perfect example of true machismo.

2)lalaking-femenine- contrary to popular belief, these men aren't gay although they're often labeled as such because of their refined nature. They might not know how to play basketball or any rough sport for that matter but that doesn't make them any less masculine. Even if often, they have more girls than boys as friends it doesn't mean they're gay. Yung ibang bading nga e mas maraming lalaki kaysa baabeng kaibigan e (para siguro makaboso).

3)alanganin- these are men who seem to be caught in the middle still confused whether they like girls or boys as romantic partners. Shaky is one word that could describe them. Sila yung mga hindi pa sigurado sa sexualidad nila.

4)closet queen- magkaiba ang alanganin at ang closet queen sa dahilang alam ng mga closet queen na bading sila yun nga lang ay hindi nila ipinapakita dahil sa mga pansariling motibo katulad ng pakikipaglapit sa iba pang lalaki. Eto yung mga bading na mas maraming kaibigang lalaki dahil gustong mag-take advantage.

5)ladlad- kabaligtaran ng closet queen dahil ibinobroadcast nila sa buongmundo ang kabadingan nila. May dalawang uri ng ladlad:

a)efem- short for efemenine. Sila yung mga bading ng walang dahilan. Wala lang. Yung tipong gusto lang nilang maging bading kaya bading sila. Sila yung mga sosing bading.

b)mamaw- eto naman yung over na sa paglaladlad na hindi na bagay sa kanila yung ginagawa nila kaya nagmumukha na silang multong bakla at nakakatakot na

6)lalaking nababading kapag lasing- lalaki sila pero nagkakaron ng dual personality pag nalalasing na. Pwedeng hindi intensyon. Kapag intensyon na, ang tawagna sa kanila ay closet queen.

7)baklang nalalalaki paglasing- eto yung mga bading na nakakalimutan nilang bading sila pag naka-inom kaya nga sila nagkakabuntis at nagkakaron ng asawa kahit bading sila.

8)bisexual- super dual ang personality. kahit hindi alcohol-induced pedeng mag-iba ang kanilang choice of romantic partner. Minsan babae minsan lalake ang gusto nila.


It's possible for a person to be in no definite category. This might not help you resolve your identity crisis but it can help you know where you're standing and you can work your way from there.


*Nakuha ko nga pala ang ideyang ito sa Bubble Gang...
Billiards 101: Billiards for Dummies

Terminology:

Billiards- (bil-yards) ito ay isang laro na ginaganap sa isang parihabang lamesa na may mga butas sa apat na sulok at tig-isang butas sa magkabilang gilid kung saan ginagamit ang taco upang tamaan ang cue na siyang magpapakilos sa iba pang mga bola sa lamesa.

Ball-in-hand- (bol-in-hand) penalty sa foul kung saan binibigay sa kalaban ang cue at maari niyang iposisyon ito kung saan niya man gusto. Kapag nagkaron ng ball-in-hand matakot ka na kasi siguradong hindi ka makakatira para sa rack na 'yon.

Break- (breyk) unang tira upang kalatin mula sa pagkakaporma ang mga bola.

Bridge- (bridj) eto yung mahabang stick parang tako, see tako, pero yung dulo hindi manipis, kundi isang pirasong kahoy na may mga semi-circle kung saan kasya yung itaas na bahagi ng tako. Ginagamit sa hard-to-reach places. Madalas gamitin ng mga Pinoy sa tournament kasi medyo maliliit tayo. Hanggat maari iniiwasan ang paggamit nito dahil nagmumukha raw bombits sa bilyar yung gumagamit.

Carambola- (ka-ram-bola) mas sikat na tawag sa combination

Combination
- (kom-bi-nay-shun) kapag tatamaan mo ng cue ball yung isang bola pero yung isa pang bola yung papasok. Syempre dapat yung bolang tatamaan ng cue ball ay yung bolang dapat mo ng tamaan dahil kung hindi, foul yun, see foul. At mas maganda kung sa combination mo e 9-ball ang papasok.

Cue- (kyu) isang mahabang stick na manipis sa dulo at mataba sa bahaging hinahawakan. Ito ang ginagamit sa billiards at pool upang tamaan ang cue. Dito nagpapa-autograph ang mga fans sa kanilang mga idol. Ayon sa American Heritage College Dictionary, leather-tip daw ito.

Cue ball- (kyu-bol) ito yung puting bola sa billiards at pool na tinatamaan ng cue.

Foul- (fawl) nangyayari kapag hindi natamaan ang cue ball o di kaya naman kapag hindi natamaan ang bolang dapat tamaan (para sa 9-ball o 8-ball). Penalty dito ang ball-in-hand.

Golden Rack- (gol-den-rak) nagiging golden rack kapag sa pag break pa lang napasok na ang nine ball. ito yung winning moment sa On Cue 2 ni Archer. Nagawa rin ni Pagulayan sa game niya with Hohmann.

Kick-off- (kik-of) eto yung patatamain muna sa rim yung cue ball o kaya yung bolang dapat tamaan bago ipasok sa pocket.

Long shot- (long-shut) nanyayari o ginagamit kapag malayo yung bolang dapat tamaan

Nine-ball- (nayn-bol) tawag sa laro ng bilyar kung saan siyam lang ang bola (kaya nga nine-ball). Ang nine ball ay yung bolang may number 9 nanakasulat ito ay may dilaw na stripe na nakapalibot sa bola, kapag napasok mo ito panalo ka sa rack, see rack, na yon

Pocket- (pa-ket) eto yung mga butas sa mga sulok at magkabilang gilid ng billiards table, hindi ito bulsa sa damit (you boron!).

Push-off- (push-of) kailangan mo munang sabihin sa referee na titira ka ng push-off bago mo ito gawin kung hindi, magcocommit ka ng foul. Ginagawa ang push-off kapag gustong sumafety pero imposible o di kayang patamain ang cue ball sa bolang dapat tamaan. Push off dahil itutulak lang ng tako ang cue ball para sumafety.

Rack- (rak) eto yung katumbas ng set sa ibang sport. Ang isang rak ay natatapos kapag napasok na ng player ang 9-ball sa kung saan mang pocket. Kapag natapos ng isang player ang isang rak kanya ang score para sa rack na iyon.

Safety- (seyf-ti) legal shot na ginagawa para pahirapan ang kalaban. Pwedeng padikitin sa rim ng table ang bola o di kaya'y itago sa likod ng ibang bola nang sa gayon maging imposible ang pagtira rito. Marami pang uri ng safety magtanong sa eksperto.

Scratch- (skrach) uri ng foul na nangyayari kapag ang cue ball ay pumapasok sa pocket.

Soft-break- (sof-breyk) kapag swabeng-swabe at tamang-tama lang ang lakas ng pagbebreak pero may pumasok pa rin.

Tako- (ta-ko) mas sikat na tawag sa cue

Tiririt- (siyang baybay siyang basa) tawag ng mga Pinoy sa bridge. Hindi ko alam kung saan nagmula 'tong tawag na 'to. Baka naman pauso lang nila.


Sino si The Lion, The Scorpion at The Kaiser sa mundo ng bilyar? Abangan sa susunod na isyu ng Billiards 101: Billiards for Dummies


On Cue 2

Nitong mga nakaraang araw, sinubaybayan ko ang On Cue 2 sa Studio 23, tournament 'yon sa bilyar ng mga pinakamagagaling sa bansa at buong mundo. Ang bilyar pala parang Harry Potter, bawat wizard may wand, sa bilyar naman, bawat player may taco. Maghaharap sila sa isang billiards match na parang wizard's duel. Doon sila magtatagisan ng galing at talino sa strategy. Nakakamangha nga kung pano nila sukatin at tantiyahin yung ang mga angle sa pamamgitan ng taco at masusing pagsisiyasat. Nakakabilib din kung pano nila kontrolin ang cue, gayun din ang lahat ng mga bola para masunod ang gusto nila. Yung iba, minsan di pa nakukuntento, mageeksibisyon pa (eto yung mas wow talaga). Kaya lang, nakakalungkot kasi foreigner nanaman ang nanalo (parang nung On Cue 1) ng $20 000 (kaching-kaching)first prize.

Sa panonood ng mga ganitong contest, hindi mo maiiwasang maging bayas pabor sa mga kababayan. Siyempre mas gusto mong manalo si Bata, Pagulayan at Bustamante kaysa sa kay Strickland, Hohmann at Archer (pero gusto ko manalo si Immonen)sa isang tournament na tayo ang naghohost. Dito lumalabas at napipiga ang pagka-nationalistic natin. Mas proud ako nung naka-golden rack (pagbreak pa lang pumasok na yung 9 ball) si Pagulayan kaysa sa nung naka-golden rack si Archer kahit pa yung golden-rack na yun ang naging winning moment niya (sabay taas ng dalawang kamay na may hawak ng taco).

Kahit 4th si Bustamante at 2nd naman si Pagulayan, nakakainis pa rin kasi:

- Una at pinakanakakainis sa lahat, hindi ko nakita si Immonen! Hindi kasi siya pumasok sa finals at wala ni isang game niya akong napanood. Nakita ko na lang siya dun sa finals game (siyempre as guwapo as ever) sa may audience. Bakit kaya hindi siya pumasok sa finals, nag-champion naman siya nung isang taon?

- Pangalawa, wudyubilibit? Wala sa semis si Bata. Sabi nga nila, he played without his taco. Sa bagay, naguwi naman siya ng medalya nitong taon kaya baka nawalan na siya ng gana. Naliitan siguro masyado sa 20 000 buckeroos.

- Dahil hanggang past 7.30 PM na natapos yung awarding, walang X-men Evolution. Arrgh! Once a week na nga lang yun at papalitan na nga ng Mutant X di pa nila pinalabas!
Nakakainis talaga. Dapat yata eto yung second-most nakakainis ko.

-Ika-apat, sira yung Blogger on maintenance daw. Sana naman maayos na para maipost ko na 'to. Kpag nababasa niyo na 'tong blog ko na 'to ibig sabihin ayos na siya.

- Naghahanap ako ng Halloween Specials sa TV kaya lang wala. Anong nagyayari? Yun na nga lang ang tanging paraan ko ng pagcecelebrate ng Halloween tapos, wala pa. Nagsasawa na yata ang mga direktor na sa tuwing Halloween e may Halloween special. Ang tanging pag-asa ko na lang yung annual tradisyon ko na pagnood ng Magandang Gabi Bayan Halloween Special.


Yun lang naman. Sana matuto akong mag-bilyar yung magaling talaga parang si Black Widow (title ng isang babaeng magaling sa bilyar).