Wednesday, May 26, 2004

aww shit! serious case of butterflies and tension! i not quite sure why i have the butterflies but the tension, i think, is from that timer, right there, screaming i have only three minutes left on top of all the windows. i hate times things- tests, practicals, whatever! basta kahit anong may time pressure, di ko gusto, especially that stupid timer. arrgh kaya ayoko sa computer shop e. i am a free spirit, i work in my own time frame. cge na nga muna 1 minute left na lang e. nagbblink pa na kulay red!

tata!

Monday, May 24, 2004

got back yesterday afternoon from our Anilao outing. sobrang saya. i really love the sea. love the sand. love the sun. love the waves. love the whole beach setting. love everything. the beach is like my destiny place (if there's such a thing as a destiny place). although we weren't really able to swim in brine because the beach was so rocky and kinda scary because it was deep and really maalon but watdaheck i still love it.


we left for Anilao Saturday morning and got there around 12 noon. the weather was great. after lunch, we were supposed to go boating but we didn't because the boatmen said the waves were too dangerous for boating. so instead, we spent the whole afternoon learning how to snorkel (and me learning how to swim) in the resort pool. not quite how we expected to spend the whole day though. but it was fine, 'cause i finally learned how to swim and i learned how to snorkel too. we were in the pool until like 5 PM. and then, we got tired of it.
after dinner, we headed to our rooms played cards (there was no tv or even a radio in the room), had some "girl" talk , killed a spider and a lizard then slept around 12AM out of boredom, i think.


the next day was perfect for boating so we did. on our way, to our first stop, Sombrero Island which looked more like siopao to me than a sombrero from afar, we came across dolphins. it was so cool. too bad, we weren't able to take pictures. probably we were all awe-struck, nobody even bothered to get the cameras.
we reached Sombrero Island but we can't get near shore because the waves were tremendous but breathtaking, nevertheless. we went off the boat to go snorkelling there for a while, but the waves were too scary so the boatman decided to take us to another snorkelling spot.
manong took us into some cove where the waters were incredibly calm and teeming with life.. and jellyfishes.
we were itching all the time. but it didn't matter. what we saw underwater- the many Nemos, angelfishes, spongebobs, patrick starrs etc, was way, way beautiful and exhilirating to make up for that. i couldn't think of any other word to describe what i saw. again, we forgot to take pictures. masyado kaming namangha sa mga isda.
when we boarded the boat to head back to the resort everyone was so quiet and looking at the wooden floor of the banca as if contemplating on the beauty we just saw. windang is more appropriate. finally, we did a couple more picture takings.


we left the resort around 12 noon, happy, enlightened and never better.

:)


On my LAUNCHcast: Tom Petty- Free Fallin'
Fave line: And I'm free, free fallin'
Rating: ***

Thursday, May 20, 2004

downloading... downloading...impatient!


gawd i have to download nanaman yahoo beta. kaeenesss naman talaga. it's so tagal. i can't listen to LAUNCH tuloy. like so sad noh. i was like excited pa naman.


tama na nga yang kaconyohan. saka na lang ulit. pag nakilala na namin si super filthy rich conio friend of our dreams ('la kasing super filthy rich sa up, meron man kurips naman hehe. peace!).
napagusapan nanaman kasi namin kanina na ang saya siguro ng college kung may super filthy rich conio friend kayo. hehe. baka isipin niyo napaka social climber ko ha... dahil totoo! haha. hindi no. basta kailangan niyo na lang marinig ang fantasy adventures namin with our super filthy rich conio friend, ang cool. hehe.


i'm sure di ka maka-relate. hehe.
ciao!

Wednesday, May 19, 2004

kung ikaw ay masaya, tumawa ka... ha haha
kahit na mukhang tanga, tumawa ka... ha haha
kung ikaw ay masaya, kung ikaw ay masaya
kahit na mukhang tanga, tumawa ka. HA HAHA


*siguro kinanta mo no? sus kunwari ka pa...


:D <--- ako yan, happiest person today

nararamdaman ko na talaga sa wakas. akala ko dadaan na lang ang taong 'to ng wala man lang totoong summer vacay. feel na feel ko na ang init ng summer kahit na patapos na at puro back-to school eklat na ang nasa mga mall, sa gitna ng mga hampas ng hangin at manaka-nakang ulang dala ng bagyong sumira ng aking payong. bagyong Dingdong yata yung pangalan di ko alam. and besides, wala na rin naman akong pakialam sa ulan, hangin at pangalan ng mga bagyo dahil pumasa na ako sa Chem31! :D :D :D x1,000,000


ayoko na lang i-jinx. basta masaya ako period.
bilyar na lang tayo pare!

onga pala...

ANNOUNCEMENT: Shitzu puppies for sale. Cute and with complete shots. For more info, contact me thru the taggy and leave your e-mail add. customer satisfaction guaranteed!

Sunday, May 16, 2004

yay ALTO outing today. katulad last year sabit nanaman kami sa family outing nila kare sa pansol. okay lang, we're like family na rin naman e or at least, feeling ko lang, at home na kasi ako sa kanila e. kapal talaga ng mukha ko haha.


at dahil ayoko namang ma-waste ang effort ng pagpapaputi ko, nakapayong talaga ako habang nasa pool. mukhang tanga, pero kiber no! ayoko ngang umitim pa lalo. yun nga lang nabasa yung payong ni DK. ayaw pa naman niya yung mabasa. harhar.


anyway, we had a blast except nung nag pusoy dos kami kasi talunan ako. ang talo pa naman magshoshot ng sanmig lite atsaka uutusan. naawa na nga sila sa kin dahil ang rami ko ng beses uminom kaya the fourth time na natalo ako, na-exempt na ko, yung next na talo sumunod sa kin yung pinainom ng beer. si ALyana yun! nyahaha, kawawang bata. kaya lang, ilang beses akong kumuha ng tubig tska yelo (part yun nung penalty pag natalo ka. nagtataka na nga yata sina nanay ebeth and co. kasi pabalik-balik akong kumukuha ng tubig tsaka yelo kaya nauubos na yung mga plastic cups.


nung finally nag-ayawan na dahil ubos na yung san mig, swimming swimming na naman. nagfeeling mini olympics sila kare,yana at DK. pabilisan raw sa isang laps (crosswise nung pool masyado na kasing advanced kung lengthwise). di ako sumali dahil ayoko. pero ang totoo, di kasi ako marunong mag-swimming and besides, ang lalim kaya nung pool nakakapit nga kami lahat kay yana kasi siya lang ang nakakaabot nun. at kaya rin halos majority nung time e nasa kiddie pool kami kung saan napaka init ng tubig, parang lalapnusin yung balat mo sa init, malamang dahil sa hot springs o kaya naman dahil sa ihi. ha ha. di naman siguro.. (sabay takbo sa banyo at kuskos ng katawan).


baka akala niyo ganun na lang kami kaduwag, hindi no! nagpunta rin kami sa pinakamalalim na part kung saan completely submerged na si yana (imaginin niyo na lang kung hanggang saan namin yung tubig). nagpraktis kuno silang tatlo nanaman ulit, syempre hindi ako kasali dahil hindi nga ako marunong mag-swimming, kung papano mag-treading. nakakapagod mag-treading. kaya kung lulubog ang barkong sinasakyan mo, kaysa mag-treading ka para lumutang, i-spend mo na lang yung energy mo sa paglangoy papunta sa shore. yung ay kung marunong kang lumangoy, kung hindi naman, i-hoard na ang mga life vest.


hay naku. ang sakit na talaga ng mga mata ko sa antok. pero pakshet kelangan ko pang aralin yung chem. ZZZzzzzzzzzzZZzZZ....


On my LAUNCHcast:Thornley- So Far So Good
Fave Line:everytime I get lost in paradise
I find a way to screw it up somehow
Rating: ***

Saturday, May 15, 2004

finished Veronika Decides to Die today. good read. asteeg. medyo philosophical na catcher-in-the-rye-ish minus the cussing. meron ding mga medyo pang pervert at exhibitionist na part. sa wakas, may natapos na rin akong book ngayong summer. yung Anastasia atska Da Vinci Code di ko pa rin natatapos. baka after summer class na lang.


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
kahapon dahil wala kaming math (wala si mr. magboo) at naki sit-in ako sa 12 to 2 class, 2 pa lang off na'ko. nagkaron na naman ako ng isa sa mga impulsive moments ko. pupunta kong southmall. di muna ko uuwi. out of the way pero watdahell, wala kong paki. besides, gusto ko kasi ng bagong swimsuit, baka meron sa southmall. hindi naman ako solo flight kasi kasama ko si tin. bonding.. he he. bago pumunta ng southmall dumaan muna kami sa house nila, malapit lang kasi. gusto niyang dalhin yung car nila. first ever passenger niya raw ako. sabi ko sa kanya "ayoko pang mamatay ha di pa ko nagkakaboyfrend". syempre jokes lang yun. buti na lang hindi niya nalabas sa garahe ang kotse, nagasgasan, sumabit sa gate. sobrang bad trip siya, ako naman inisip ko "oh no, gumagana nanaman yata ang jinx mode ko". tuloy pa rin kami sa mall kahit na sobrang sama siguro ng feeling niya. wala naman akong magawa. sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin sa mga ganung pagkakataon. "okay lang 'yan" would be sooo lame kasi obviously, hindi naman ok. sabi ko na lang normal lang yun, kahit na sobrang lame rin. bakit ba, sa totoo lang wala ka naman talagang masasabi sa mga ganung pagkakataon... diba?


medyo maganda ring gamot sa sama ng loob ang mall at ice cream. kaso ubos na ang mga swimsuit, tapos na raw kasi ang summer. unfair! naguumpisa pa nga lang sa 'min e. bumili na lang ako ng bagong shirt para hindi naman sayang ang effort ng pagpunta ko dun. after nun, umuwi na kami. at dahil may hang-over pa yata ang impulsive mode ko parang gusto ko na lang mag-jeep pauwi. dalawang sakay lang naman at makakatipid pa ko. pero turned out hindi rin ako nakatipid kasi pagdating ng alabang hindi ko pala alam kung saan ang sakayan ng jeep papuntang pacita dun. binago kasi nila yung lugar. wala na yung mga jeep dun sa dati nilang lugar. sumakay na lang ako sa isang fx. habang naghihintay ng pasahero para mapuno yung fx na realize ko na mali pala yung nasakyan ko kasi sa susana heights siya dadaan. ayoko sa susana, traffic. kaya bumaba ako (nagmuha tuloy na nagpalamig lang ako dun, he he, pakialam ba nila ayoko sa susana e). at nung finally, nalaman ko na (thru pagtatanong-tanong)kung saan ang tamang sakayan ng jeep papuntang pacita, ang haba naman ng pila. ayokong pumila at ang alternative route lang pauwi ay ang pumunta ng festival kung saan may fx terminal na papuntang pacita (via southwoods) kaya naglakad ako ng malayo papuntang festival. dun na lang ako sumakay ng fx (25 pesos ang pamasahe galing festi, 30 naman galing southmall). nakakainis kung magee-fx rin lang ako sa festi, sana nag-fx na lang ako nung galing akong southmall! waste of time and effort talaga sobrang sakit pa ng mga paa ko. second malas ko na yun kahapon.


pag-uwi ko nakalimutan kong nilagay ko pala yung necklace ko sa bulsa ng pants ko tapos nilagay ko na yung pants sa labahan. nung gabi rin, linabhan yun, sa washing machine. poor necklace, naipit sa washing machine. paborito ko pa naman yun. mangiyak-ngiyak na ko. at syempre, sinisisi ko sa iba yun kahit na alam ko namang ako ang may kasalanan. defense mechanism yun e. sinubukan kong hilain pero ayaw na niyang makuha. gusto ko sanang buksan yung washing machine kaya lang ayaw ni ma, mamaya raw masira ko pa yung washing machine, e mas mahal namang di hamak yun kaysa sa kwintas ko. wala ng pag-asa. pinutol na lang ni dad. nakuha ko pa rin naman yung pendant, kaya lang mga 3 inches na lang nung chain ang na recover. the rest, might have disappeared into eternal abyss. how sad..


nakakinis talaga. buti na lang magsswimming kami ng ALTO sa sunday. yay!

Thursday, May 13, 2004

pahabol entry: i heart Paulo Coelho's "Veronika Decides to Die". loaded at may sense. totoo nga, nawawalan ng saysay ang buhay dahil sa pattern, normalcy at conformity. malas ko, ako ay mesohuman, average lang talaga. i live almost entirely on patterns and schedules. buti na lang medyo meron akong impulsive tendencies (oo, meron)at nagkakaron ng konting thrill, kung thrill na maitatawag yun, ang buhay ko. good thing i won't have to "decide to die", yet. and besides, hindi ako suicidal.mga loser lang ang nagpapakamatay. sa kabilang banda, wala nga pala akong karapatang manghusga ng iba. sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iisip, tama na nga 'to.

darn

good news: hindi na sosobra sa limang araw ang itatagal ng summer classes. yay! ciao chem31! ciao math 1!


bad news:ciao nga ba tlga? o aloha na pwedeng goodbye or hello? arrrgh!! nakakabaliw. masyado ng madugo ang chem 31. habang tumatagal ang discussion para sa 4th exam, parami ng parami ang bagay na hindi ko maintindihan. habang nauubos ang pages ng manual namin, nauubos na rin ang pasensya ko.


pero di bale konting tiis na lang. konting tiis na lang.. pasukan na naman ulit! kainis 'no? mga tatlo hanggang apat na linggo na lang, first sem na naman. pero second year na. onga no second year na ko... asteeeg ang bilis. dalawang taon pa (at sana dalawang taon na lang) nurse na ko. di ko pa alam kung anong mangyayari sa kin pagkatapos nun pero ang mahalaga e grumaduate ako ng buo.


just thinking aloud: minsan hindi rin mabuti ang masyadong nagmamagandang loob...


sana matuloy yung sa sunday ;)

On my LAUNCHcast: Thursday- Signals over the Air
Comments: ok na ok. emo.
Rating: ****

Wednesday, May 12, 2004

harhar

dang! aga ko nagising ngayon, mga 7.30. nagtxt si kuya nakalimutan niya yung assignment niya at pinasend niya sa mail (stupid! he he). actually, nag-alarm ako ng 7.00 para mag-aral (may exam kami sa math) kaya lang wasted nanaman the effort kasi pinatay ko rin lang naman. oh well, at least I tried..


medyo gumanda tong blogger. kanina akala ko naligaw ng page. he he. okay dahil may color. kaya lang kulay brown.. nyek. sa totoo lang medyo gusto ko yung dati,kasi crammed sila lahat sa iisang window. mas madaling i-navigate para sa 'kin.


kaya lang sira naman yung taggy (for all i care). wadelse? for some reason, bago mo mabuksan ang yahoo maessenger dito sa pc namin e kelangan mo pa siyang i-download. sooper inconvenient at impractical. ako, mga tatlong beses ko ng dina download yan. kung di lang dahil sa launchcast...never mind. hay nako, dad sabi ko sayo e kelangan ng i-reformat nito!
RE-FOR-MAT!! RE-FOR-MAT!! RE-FOR-MAT!!
(he he palibahasa kasi na-burn ko na lahat ng dpat i-burn bwahahaha)


post-election crap
ayoko talagang nanonood ng balita. sad nga nung monday kasi every once in a while iniinterrupt yung mga programa para lang sa eleksyon. arrgh! anyway, tapos na yun. kaya lang may aftershock...
narinig ko kahapon ang nanay ko may kausap sa telepono, co-teacher siguro. pinaguusapan nila yung eleksyon kahapon. nag-serve kasi sila. sabi nila ang tagal-tagal mag-umpisa ng counting, tapos kahit gutom na gutom na yung mga teacher di pa rin pinapakain ng COMELEC, walang free food di katulad nung mga nakaraang eleksyon, kasi bawal magbigay ang mga kandidato, and the list goes on. kung may dpat i-hail sa lahat ng ito.. sila yun! hindi dahil nanay ko siya kundi dahil sobrang hirap nung ginagawa nila, all for a meager amount. so sad..


nakakatawa kapag eleksyon, ang daming nadadaya. halos lahat ng talunan dinadaya. kung gayon, lahat pala ng nananalo sa eleksyon (as in lahat) e nandaya. ha ha. funny. pero mas nakakatawa yung excuses nila.


Warning: American Idol ramblings ahead!
totodohin ko na ito. kahapon napanood ko yun "most shocking results show ever" ng American Idol. and maybe you've heard it too. yung tatlong divas (Fantasia, La toya, Jennifer) ang nasa bottom three. major pala tlga! nagulat ako nung nabasa ko siya sa net pero nagulat pa rin ako nung napanood ko. nung sinabi ng safe si La toya, (haay di na ko magpapakaplastik) medyo naiyak ako! medyo lang naman. but that's something kasi hindi ako mabilis maiyak. anyway, the feeling was like so mixed up. nakakainis, na nakakalungkot, na ewan! it was different. ang tanga tanga talaga. arrghh. hanggang sa pagkatapos ng show windang pa rin ako. pati na rin si kuya na windang rin. Yung nasa bottom three nga pala lahat sila african american... hmmm... baka racist. tsk tsk. hindi naman siguro.

meydo mahaba na 'to ayoko na.

Monday, May 10, 2004

Qu!z Adeek
medyo naadik ata ako sa quizilla... and there's more where that came from. ha ha. wala na talagang magawa. uhmmm.. dapat nagaaral na ko para sa 3rd long exam sa chem, kaya lang medyo nagsasawa na kong magdrowing ng Piattos (hexagon for benzene). Ayun. BUti na lang 55% ang exemption sa Dear Org chem. Average ko: 59.5 ayos na rin. 4.5 points na allowance. Mga 3 yan. goodbye CS certificate! (ang ganda mo pa man din). goodbye status symbol. goodbye cruel world...he he suicidal. cool.
GIRLY GIRL - Clever Kitty
A GIRLY-GIRL. You dont have a lot of self-esteem
and people are always bringing you down for
being sad. What do they know, anyway? You feel
like youre too mature for your age and are
frustrated by the trend-followers who refuse to
accept you because youre not like them.
Your virtues: Intelligence, understanding nature,
modesty.
Your flaws: Lack of social life, inferiority
complex, timidity..




What kind of girl are you?
brought to you by Quizilla

hah! what is this sh*T?! one major ewww...

Sunday, May 09, 2004

HASH(0x88a6704)
Comfy is the word. You're traditional and content
with the simple things in life.


Discover your inner shoe!
brought to you by Quizilla

sooo true! pero mas maganda sana kung yung chucks na may fire fire thingy.
free
You have a free soul! As all the souls go, yours is
the most free-spirited and adventurous. You
like camping, hiking, or interaction with other
people. Your a social butterfly, but not
because of your style, but because of your
willingness to communicate with everyone. You
probably have close friends who can rely on you
because you always seem to know whats going on
in the world. You love music and are
free-spirited and someone fun to be around. A
born leader and great explorer-dont ever
change-the world needs more people like you.


What Kind of SOUL do you posses? (For Girls only) Incredible Anime Pictures!
brought to you by Quizilla

har har free soul daw o! i think it's more like Marina. ha ha. funny. mas hilarious siguro kung hindi anime ang ginamit na picture. ok na sana yung quiz result except for this teeny detail "A born leader.." duh! me? leader? ewww... I can follow but I sure can't lead. I hate leading (but I don't hate leaders). Ayun lang.

Wednesday, May 05, 2004

hihi

yeh yeh i'm back. after that bloody, murderous 2nd org. chem exam. surprisingly, i'm still in one piece. either it was me or something was wrong with that shitty exam coz' it was so freakin' difficult as hell. i prepared for that exam whole Sunday resisting the urge to indulge in Sunday TV therefore, the possibility of flunking the exam will be the entire fault of that %@$#(* exam, not mine. hi hi (may naghuhugas kamay o...). why does chemistry have to be so darn difficult? why?!


uneventful week. what's new? i got an absolutely not guilt-free acrobat copy of da vinci code from --, whose name won't be mentioned because of shame *he he*( absolutely yes pun intended). am just ridin' with the fad. you know, nakikiuso. i've started reading it instead of the oh-so-boring- org. chem. manual, and yes, it's intriguing but i have to admit i had to occasionally check out the dictionary because there was just too much art jargon there. i can't even read all the French words and i'm not really an artsy person so, more than half of the museum-art stuff they were talking about was totally Greek to me. ha ha. but i do know what the mona lisa, venus de milo and winged victory are from my CTA (Communication Through the Arts) class in high school. wow! may natutunan rin pala ako dun... akala class-A pang-ookray lang ang na-master ko sa CTA. aha! you're having a fun!


On my LAUNCHcast: Finger Eleven- One Thing
Rating: ***
Comment:i can't really comment much kasi nagsasawa na ko rito

Saturday, May 01, 2004

Oh yeah!

orayt! i survived yet another week of acids, bases, chemical rxns, neutrophiles, electrophiles, blah blah and god knows wadelse! (ooops blasphemy ba to?). ayun, i'm kinda on the nanganganib side sa chem 31. we got our 1st dept exams results yesterday. I passed. Thank God! That's a relief. But I'm kinda like getting inferiority complex 'cause everbody's getting like a line-of-seven on the first exam and my score was a friggin'... never mind! I know I should be thankful I passed (despite teh fact I came in an hour late for the exam), and I am a lot thankful just don't want to feel left behind, that's all. Kainis kasi e. Nakaseksyon ko pa yung mga g.c. , matatalino, at magagaling. Tuloy the pressure is tremendous (mga 1 ton na)! BUt sadly, tamad pa rin ako. Pero in all fairness, I occasionally engage in advance reading kahit papano. hihihi. Yeh ryt. If you even call that reading... it's more like looking-at-the-page-doing-something-else.


enough 'bout that.
I rode a BBL bus today. I swear if I hadn't been to eager to get home I won't ride a BBL bus. Luckily, the bus I was in wasn't as BULOK as expected. So ayun, I went on with the usual things I do when I'm alone in a bus... I eat. So this two college-ish guys come in (hehe cute yung isa, yung isa di mukhang hindi although sa peripheral vision ko lang natignan), sat beside where I was stitting. Parallel existence, we sat next to each other but had no interaction whatsoever. Normal bus people. The bus was at Pasay Road, I think, when they brought out this potted cactus and the contents of a large National Book Store plastic bag. IN big bold letters, the package said it was a Quickwrap Kit. I thought the obvious, they were going to give the cactus as a gift, maybe for a girlfriend, none of my business. SO they started to figure out how to use the Quickwrap Kit. I saw them read the manual a couple of times. BUt guys and gift wrapping are like "chocolates and onions", they just don't fit, that from where I sat I wanted to grab the cactus and the Quicwrap kit and do it for them. The fate of the cactus on the hands of those two was unbearable. The finally managed ay guy-esque way to gift wrap. Ewan ko lang ha, the package said Quickwrap but I think the bus is already at Parañaque when they finished wrapping the cactus. I could have done it in less than 5 minutes... hehe yabang..


Yahoo! Messenger Beta is cutesy. I finally got it working. But I haven't tried out the image thingy yet. Launch Radio is A-S-T-I-G. bwahahaha <- devilish laugh dpat yan!

On my LAUNCHcast: halata bang bago? Staind- Zoe Jane
Rating:****
Comment:good for people who like the mellow Staind.

Thursday, April 29, 2004

Alam mo ba?

19.2 kbps lang ang connection speed ko pero gumagana ng matino ang mga sites. Nakapag Ym pa ko. Astig. HIndi ko nga lam na posible palang magkaron ng 19.2 kbps na speed at gagana ang browser.


Nabasa ko sa blog ni ay_lin: YUng lalaki asa US, tapos yung babae asa Pilipinas, nanghula ng number yung lalaki, ang nahulaang number ay kay babae, naging mag textmates sila. Umuwi ng Pilipinas ang lalaki. Nag-EB sila nung babae. Naging sila. Nagpakasal. Garden wedding. True story 'to. Astig, parang pelikula. Posible na pala ang ganun ngayon. Akala ko sa mga magazine at romance stories lang nangyayari yun.


"Manghula na rin kaya ako ng number?"


Kaya lang pano pala kung yung soulmate mo eh hindi cellphone user? Pano kung Mangyan o kaya Igorot yung soulmate mo? HIndi rin pala effective...

Tuesday, April 27, 2004

Monsters of the Ice

At last, gumana na ulit itong Blogger... medyo nabobo yata siya dahil sa sobrang dami ng nangahas na gumawa ng blog. Marahil dahil sa sobrang bagot dahil bakasyon o di kaya naman nahook lang sa blogging frenzy... parang ako!

Tapos na ang first of four depts sa chem at math. Natapos nung Monday. Hanggang ngayon walang katiyakan ang kahihinatnan ko sa Haying Kapnayan (Organic Chemistry). Bahala na. Nagsiswimming pa rin sa utak ko ang ang aldehydes, ketones, ethers, sp3, sp2, sp, double bond, triple bond, james bond (?)... lahat sila. Langoy lang ng langoy di rin naman naabsorb ng pangmatagalan. Ang di ko lang mawari ay kung gaano ko kabilis namememorya ang channel line-ups at palabas sa mga tv stations, local at cable, ganun naman kabagal kong namememorize ang formula at concepts sa chem. Buhay nga naman.

Nung Monday na lang ulit kami lumanghap ng simoy ng Robison's. BInago nanaman yung pintuan kung saan dapat papasok at lalabas. May bagong kainan din- Ice MOnster! Syempre porque bago kailangan naming subukan. May malaking poster sa harap ng Ice MOnster kung saan nakalgay kung ano yung mga tinda nila. Tumigil kami sa harap nun. AYos. Nahalatang first time namin. Bago sa jologs naming panlasa ang tunog sosyal na Ice Monster. Nakaramdam rin kami, kaya umupo na lang kami sa isang malapit na mesa. Ooops >singhot<.. ano yun? naaamoy niyo ba? Yuuuuuckk. Ang bahoooo! Lipat tayo. Kadiri amoy panis. Wala bang service crew dito? At nagulo ang buong Ice MOnster public. Lumipat kami ng lamesa. Dun kami sa mas maliit. Apat kami pero nagkasya kami sa pandalawahang lamesa. Ayos ang seseksi namin. Meron naman palang miniature version nung poster na tinitignan namin kanina sa mga mesa. Iyon naman ang pinagdiskitahan, dinuro-duro hanggang sa maisipang umorder. Umorder kami. Ano ito? Naubusan raw ng yelo?! Hindeeee... Kinukuha pa pala.

Kung tutuusin mahal ang isang serving ng ice monster mula 60 hanggang 90 piso ang budget. Meron ring mini version 45-50 piso pero huli na ng malaman naming meron pala nun. Malaki ang serving. Ice monster nga talaga kasi parang monster ang kakain. Mukhang masarap. Maganda ang presentation. Maraming yelo. Ang rami namang yelo nito... Kaya nga ice monster eh! Mukhang sosyal. Aba asenso na tayo ngayon. Ang sosyal na natin. Dati pa mcdo-mcdo lang. Sabay sabing Sana nag-Chowking na lang tayo... Sa susunod, na pag-usapan pa namin na dapat bawat linggo may kakainan naman kaming medyo sosyal. May theme every week. Date 'yun.

Hindi yata sanay ang sikmura ko sa sosyal foods (kahit na hindi naman masyading sosyal yun!)dahil sumakit ang ulo ko pagkatapos. Major brainfreeze. Naramdaman ko ring parang gusto kong masuka. Pero dahil iyon sa nakaupo ako sa balcony ng bus pauwi kung saan matagtag ang biyahe.

Hindi nga pala ako binayaran ng Ice Monster para mag advertise.

Saturday, April 24, 2004

exams in summer. i never imagined it could be possible... until now, of course. summer used to be fun, all the bright colors, sweaty people and days and days without having to worry about anything academic. BUt now, and for the next two years I think, all summers shall be cursed. summer rhymes with bummer. great.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


chem exams on monday. wish me luck.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Some trash I got but answered anyway:

1. Grab the book nearest to you, turn to page 18, find line 4. Write down what it says:
"bantilaw, pu., hilaw pa, hindi husto ang pagkakaluto ng sinaing."
--from the Pilipino-Pilipino dictionary

2. Stretch your left arm out as far as you can. What do you touch
first?
--the window

3. What is the last thing you watched on TV?
--The Pianist.

4. WITHOUT LOOKING, guess what the time is.
--4:00 pm

5. Now look at the clock, what is the actual time?
--4:47 pm... my psychic powers are down

6. With the exception of the computer, what can you hear?
--electric fan. keyboard. tv. children outside.

7. When did you last step outside? What were you doing?
--kanina. i bought ice for the mango shake i made.

8. Before you came to this website, what did you look at?
--google. searched for lyrics

9. What are you wearing?
--pambahay. top and shorts

10. Did you dream last night?
--i don't know. I must've woken up during my non REM sleep so I can't remember.

11. When did you last laugh?
--last night. watching That 70's show on ABC 5.

12. What is on the walls of the room you are in?
--light cyan paint and a couple of frames having a thai picture

13. Seen anything weird lately?
--i dunno. i maybe used to all kinds of weird stuff that i don't really notice them as weird anymore.

14. Last movie you saw?
--A Tale of Two Sisters. That's like ages ago.

15. If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy
first?
--my dream house.

16. Tell me something about you that I don't know.
--i heart Mandy. haha

17. If you could change one thing about the world, regardless of guilt
or politics, what would you do?
--i would like to banish all poverty and make people forget that there exists such word. haha, too altrusitic. i would want to make cable tv free.

18. Do you like to dance?
--no not really.

19. George Bush: is he a power-crazy nutcase, or someone who is finally
doing something that has needed to be done for years?
--war freak. power crazy, amen to that. paranoid too! start searching for weapons of mass dectruction in America, freak.

20. Imagine your first child is a girl, what do you call her?
--maybe louise or some other boy name na pwedeng itawag sa girl para bang androgyny or something.

21. [Same question for a boy]
see above.

22. Would you ever consider living abroad?
hell yeah! just to get out of this heat. it's so darn murderous already.

Monday, April 19, 2004

Eto na naman. Nararamdaman ko na ang CWTS Syndrome. Yung tinatamad kang pumasok dahil tanghali na at feeling mo wala ng klase. Hindi naman pwede umabsent kasi hindi na nga ako nagbabasa ng module, hindi pa ko makikinig sa klase. Ewan ko lang kung saan ako pupulitin pag ganon. Isa lang ang masasabi ko dyan: "Tinatamad ako!". :) what's new?

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Hindi ko nga pala naabot yung isa sa mga short term goals ko. tsk tsk. kulang sa aral sa majors. sana mapagbigyan next tym.. pero mukhang malabo. ang totoxic ng mga subjects namin next sem. parang tanga. sabay-sabay sila lahat. haay bahala na. live each day at a time.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


For some reason, down ang server ko kagabi at ayaw lumabas ng google at yahoo at higit sa lahat ayaw mag-appear nung mga blogs. akala ko nasira ko na yung browser namin. buti na lang hindi :p. Kung wala pala kayong magawa at gusto niyong matakot search niyo to: Grigori Rasputin. Nakakatakot ang itsura niya. Pero in fairness kamukha niya yung isang lalaki sa System of a Down. YUng mga tao nung time ni Rasputin ay naniniwala na meron siyang healing powers. creepy... try ko ipost yung picture niya if i have time.

This will be the end. :: TTFN
egay 0_o



Saturday, April 17, 2004

New Template

I really had to change templates after all. The pink layout got busted and I don't have the time to do the necessary repairs so I opted to post a new template. Bummer! I sooo liked that pink one.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Not really much going on in my dull, boring and pathetic life now. I'm currently enrolled in summer class and am taking Chemistry and Math subjects. Chemistry, as usual, is frightening with all the C's (symbol for Carbon) and H's (element 1). And Math would always be Math.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Wait. Will you look at that annoying banner? Irksome. It should've been perfect if not for that stupid banner.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


Because I, again, had nothing better to do I randomly clicked my mouse on some of sed's blog links and I found out through these tests that :

Take the Girlfriend Quiz at www.kidzworld.com!


A Dream GF!

You're a definite keeper. You're not needy or clingy and you're almost as much fun to be around as one of the guys! You know exactly how much space your guy needs and how to keep your own groove on while in a relationship.

Wow! And to check the accuracy of that result. I took another similar test:

What Kind of Girlfriend Are You?
brought to you by Quizilla

-Perfect-
You're the perfect girlfriend. Which means you're rare or that you cheated :P You're the kind of chick that can hang out with your boyfriend's friends and be silly. You don't care about presents or about going to fancy placed. Hell, just hang out. You're just happy being around your boyfriend.

That's from two different tests!

This will be the end. :: TTFN