Sunday, May 16, 2004

yay ALTO outing today. katulad last year sabit nanaman kami sa family outing nila kare sa pansol. okay lang, we're like family na rin naman e or at least, feeling ko lang, at home na kasi ako sa kanila e. kapal talaga ng mukha ko haha.


at dahil ayoko namang ma-waste ang effort ng pagpapaputi ko, nakapayong talaga ako habang nasa pool. mukhang tanga, pero kiber no! ayoko ngang umitim pa lalo. yun nga lang nabasa yung payong ni DK. ayaw pa naman niya yung mabasa. harhar.


anyway, we had a blast except nung nag pusoy dos kami kasi talunan ako. ang talo pa naman magshoshot ng sanmig lite atsaka uutusan. naawa na nga sila sa kin dahil ang rami ko ng beses uminom kaya the fourth time na natalo ako, na-exempt na ko, yung next na talo sumunod sa kin yung pinainom ng beer. si ALyana yun! nyahaha, kawawang bata. kaya lang, ilang beses akong kumuha ng tubig tska yelo (part yun nung penalty pag natalo ka. nagtataka na nga yata sina nanay ebeth and co. kasi pabalik-balik akong kumukuha ng tubig tsaka yelo kaya nauubos na yung mga plastic cups.


nung finally nag-ayawan na dahil ubos na yung san mig, swimming swimming na naman. nagfeeling mini olympics sila kare,yana at DK. pabilisan raw sa isang laps (crosswise nung pool masyado na kasing advanced kung lengthwise). di ako sumali dahil ayoko. pero ang totoo, di kasi ako marunong mag-swimming and besides, ang lalim kaya nung pool nakakapit nga kami lahat kay yana kasi siya lang ang nakakaabot nun. at kaya rin halos majority nung time e nasa kiddie pool kami kung saan napaka init ng tubig, parang lalapnusin yung balat mo sa init, malamang dahil sa hot springs o kaya naman dahil sa ihi. ha ha. di naman siguro.. (sabay takbo sa banyo at kuskos ng katawan).


baka akala niyo ganun na lang kami kaduwag, hindi no! nagpunta rin kami sa pinakamalalim na part kung saan completely submerged na si yana (imaginin niyo na lang kung hanggang saan namin yung tubig). nagpraktis kuno silang tatlo nanaman ulit, syempre hindi ako kasali dahil hindi nga ako marunong mag-swimming, kung papano mag-treading. nakakapagod mag-treading. kaya kung lulubog ang barkong sinasakyan mo, kaysa mag-treading ka para lumutang, i-spend mo na lang yung energy mo sa paglangoy papunta sa shore. yung ay kung marunong kang lumangoy, kung hindi naman, i-hoard na ang mga life vest.


hay naku. ang sakit na talaga ng mga mata ko sa antok. pero pakshet kelangan ko pang aralin yung chem. ZZZzzzzzzzzzZZzZZ....


On my LAUNCHcast:Thornley- So Far So Good
Fave Line:everytime I get lost in paradise
I find a way to screw it up somehow
Rating: ***

No comments: