dang! aga ko nagising ngayon, mga 7.30. nagtxt si kuya nakalimutan niya yung assignment niya at pinasend niya sa mail (stupid! he he). actually, nag-alarm ako ng 7.00 para mag-aral (may exam kami sa math) kaya lang wasted nanaman the effort kasi pinatay ko rin lang naman. oh well, at least I tried..
medyo gumanda tong blogger. kanina akala ko naligaw ng page. he he. okay dahil may color. kaya lang kulay brown.. nyek. sa totoo lang medyo gusto ko yung dati,kasi crammed sila lahat sa iisang window. mas madaling i-navigate para sa 'kin.
kaya lang sira naman yung taggy (for all i care). wadelse? for some reason, bago mo mabuksan ang yahoo maessenger dito sa pc namin e kelangan mo pa siyang i-download. sooper inconvenient at impractical. ako, mga tatlong beses ko ng dina download yan. kung di lang dahil sa launchcast...never mind. hay nako, dad sabi ko sayo e kelangan ng i-reformat nito!
RE-FOR-MAT!! RE-FOR-MAT!! RE-FOR-MAT!!
(he he palibahasa kasi na-burn ko na lahat ng dpat i-burn bwahahaha)
post-election crap
ayoko talagang nanonood ng balita. sad nga nung monday kasi every once in a while iniinterrupt yung mga programa para lang sa eleksyon. arrgh! anyway, tapos na yun. kaya lang may aftershock...
narinig ko kahapon ang nanay ko may kausap sa telepono, co-teacher siguro. pinaguusapan nila yung eleksyon kahapon. nag-serve kasi sila. sabi nila ang tagal-tagal mag-umpisa ng counting, tapos kahit gutom na gutom na yung mga teacher di pa rin pinapakain ng COMELEC, walang free food di katulad nung mga nakaraang eleksyon, kasi bawal magbigay ang mga kandidato, and the list goes on. kung may dpat i-hail sa lahat ng ito.. sila yun! hindi dahil nanay ko siya kundi dahil sobrang hirap nung ginagawa nila, all for a meager amount. so sad..
nakakatawa kapag eleksyon, ang daming nadadaya. halos lahat ng talunan dinadaya. kung gayon, lahat pala ng nananalo sa eleksyon (as in lahat) e nandaya. ha ha. funny. pero mas nakakatawa yung excuses nila.
Warning: American Idol ramblings ahead!
totodohin ko na ito. kahapon napanood ko yun "most shocking results show ever" ng American Idol. and maybe you've heard it too. yung tatlong divas (Fantasia, La toya, Jennifer) ang nasa bottom three. major pala tlga! nagulat ako nung nabasa ko siya sa net pero nagulat pa rin ako nung napanood ko. nung sinabi ng safe si La toya, (haay di na ko magpapakaplastik) medyo naiyak ako! medyo lang naman. but that's something kasi hindi ako mabilis maiyak. anyway, the feeling was like so mixed up. nakakainis, na nakakalungkot, na ewan! it was different. ang tanga tanga talaga. arrghh. hanggang sa pagkatapos ng show windang pa rin ako. pati na rin si kuya na windang rin. Yung nasa bottom three nga pala lahat sila african american... hmmm... baka racist. tsk tsk. hindi naman siguro.
meydo mahaba na 'to ayoko na.
No comments:
Post a Comment