Saturday, May 15, 2004

finished Veronika Decides to Die today. good read. asteeg. medyo philosophical na catcher-in-the-rye-ish minus the cussing. meron ding mga medyo pang pervert at exhibitionist na part. sa wakas, may natapos na rin akong book ngayong summer. yung Anastasia atska Da Vinci Code di ko pa rin natatapos. baka after summer class na lang.


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
kahapon dahil wala kaming math (wala si mr. magboo) at naki sit-in ako sa 12 to 2 class, 2 pa lang off na'ko. nagkaron na naman ako ng isa sa mga impulsive moments ko. pupunta kong southmall. di muna ko uuwi. out of the way pero watdahell, wala kong paki. besides, gusto ko kasi ng bagong swimsuit, baka meron sa southmall. hindi naman ako solo flight kasi kasama ko si tin. bonding.. he he. bago pumunta ng southmall dumaan muna kami sa house nila, malapit lang kasi. gusto niyang dalhin yung car nila. first ever passenger niya raw ako. sabi ko sa kanya "ayoko pang mamatay ha di pa ko nagkakaboyfrend". syempre jokes lang yun. buti na lang hindi niya nalabas sa garahe ang kotse, nagasgasan, sumabit sa gate. sobrang bad trip siya, ako naman inisip ko "oh no, gumagana nanaman yata ang jinx mode ko". tuloy pa rin kami sa mall kahit na sobrang sama siguro ng feeling niya. wala naman akong magawa. sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin sa mga ganung pagkakataon. "okay lang 'yan" would be sooo lame kasi obviously, hindi naman ok. sabi ko na lang normal lang yun, kahit na sobrang lame rin. bakit ba, sa totoo lang wala ka naman talagang masasabi sa mga ganung pagkakataon... diba?


medyo maganda ring gamot sa sama ng loob ang mall at ice cream. kaso ubos na ang mga swimsuit, tapos na raw kasi ang summer. unfair! naguumpisa pa nga lang sa 'min e. bumili na lang ako ng bagong shirt para hindi naman sayang ang effort ng pagpunta ko dun. after nun, umuwi na kami. at dahil may hang-over pa yata ang impulsive mode ko parang gusto ko na lang mag-jeep pauwi. dalawang sakay lang naman at makakatipid pa ko. pero turned out hindi rin ako nakatipid kasi pagdating ng alabang hindi ko pala alam kung saan ang sakayan ng jeep papuntang pacita dun. binago kasi nila yung lugar. wala na yung mga jeep dun sa dati nilang lugar. sumakay na lang ako sa isang fx. habang naghihintay ng pasahero para mapuno yung fx na realize ko na mali pala yung nasakyan ko kasi sa susana heights siya dadaan. ayoko sa susana, traffic. kaya bumaba ako (nagmuha tuloy na nagpalamig lang ako dun, he he, pakialam ba nila ayoko sa susana e). at nung finally, nalaman ko na (thru pagtatanong-tanong)kung saan ang tamang sakayan ng jeep papuntang pacita, ang haba naman ng pila. ayokong pumila at ang alternative route lang pauwi ay ang pumunta ng festival kung saan may fx terminal na papuntang pacita (via southwoods) kaya naglakad ako ng malayo papuntang festival. dun na lang ako sumakay ng fx (25 pesos ang pamasahe galing festi, 30 naman galing southmall). nakakainis kung magee-fx rin lang ako sa festi, sana nag-fx na lang ako nung galing akong southmall! waste of time and effort talaga sobrang sakit pa ng mga paa ko. second malas ko na yun kahapon.


pag-uwi ko nakalimutan kong nilagay ko pala yung necklace ko sa bulsa ng pants ko tapos nilagay ko na yung pants sa labahan. nung gabi rin, linabhan yun, sa washing machine. poor necklace, naipit sa washing machine. paborito ko pa naman yun. mangiyak-ngiyak na ko. at syempre, sinisisi ko sa iba yun kahit na alam ko namang ako ang may kasalanan. defense mechanism yun e. sinubukan kong hilain pero ayaw na niyang makuha. gusto ko sanang buksan yung washing machine kaya lang ayaw ni ma, mamaya raw masira ko pa yung washing machine, e mas mahal namang di hamak yun kaysa sa kwintas ko. wala ng pag-asa. pinutol na lang ni dad. nakuha ko pa rin naman yung pendant, kaya lang mga 3 inches na lang nung chain ang na recover. the rest, might have disappeared into eternal abyss. how sad..


nakakinis talaga. buti na lang magsswimming kami ng ALTO sa sunday. yay!

No comments: