At last, gumana na ulit itong Blogger... medyo nabobo yata siya dahil sa sobrang dami ng nangahas na gumawa ng blog. Marahil dahil sa sobrang bagot dahil bakasyon o di kaya naman nahook lang sa blogging frenzy... parang ako!
Tapos na ang first of four depts sa chem at math. Natapos nung Monday. Hanggang ngayon walang katiyakan ang kahihinatnan ko sa Haying Kapnayan (Organic Chemistry). Bahala na. Nagsiswimming pa rin sa utak ko ang ang aldehydes, ketones, ethers, sp3, sp2, sp, double bond, triple bond, james bond (?)... lahat sila. Langoy lang ng langoy di rin naman naabsorb ng pangmatagalan. Ang di ko lang mawari ay kung gaano ko kabilis namememorya ang channel line-ups at palabas sa mga tv stations, local at cable, ganun naman kabagal kong namememorize ang formula at concepts sa chem. Buhay nga naman.
Nung Monday na lang ulit kami lumanghap ng simoy ng Robison's. BInago nanaman yung pintuan kung saan dapat papasok at lalabas. May bagong kainan din- Ice MOnster! Syempre porque bago kailangan naming subukan. May malaking poster sa harap ng Ice MOnster kung saan nakalgay kung ano yung mga tinda nila. Tumigil kami sa harap nun. AYos. Nahalatang first time namin. Bago sa jologs naming panlasa ang tunog sosyal na Ice Monster. Nakaramdam rin kami, kaya umupo na lang kami sa isang malapit na mesa. Ooops >singhot<.. ano yun? naaamoy niyo ba? Yuuuuuckk. Ang bahoooo! Lipat tayo. Kadiri amoy panis. Wala bang service crew dito? At nagulo ang buong Ice MOnster public. Lumipat kami ng lamesa. Dun kami sa mas maliit. Apat kami pero nagkasya kami sa pandalawahang lamesa. Ayos ang seseksi namin. Meron naman palang miniature version nung poster na tinitignan namin kanina sa mga mesa. Iyon naman ang pinagdiskitahan, dinuro-duro hanggang sa maisipang umorder. Umorder kami. Ano ito? Naubusan raw ng yelo?! Hindeeee... Kinukuha pa pala.
Kung tutuusin mahal ang isang serving ng ice monster mula 60 hanggang 90 piso ang budget. Meron ring mini version 45-50 piso pero huli na ng malaman naming meron pala nun. Malaki ang serving. Ice monster nga talaga kasi parang monster ang kakain. Mukhang masarap. Maganda ang presentation. Maraming yelo. Ang rami namang yelo nito... Kaya nga ice monster eh! Mukhang sosyal. Aba asenso na tayo ngayon. Ang sosyal na natin. Dati pa mcdo-mcdo lang. Sabay sabing Sana nag-Chowking na lang tayo... Sa susunod, na pag-usapan pa namin na dapat bawat linggo may kakainan naman kaming medyo sosyal. May theme every week. Date 'yun.
Hindi yata sanay ang sikmura ko sa sosyal foods (kahit na hindi naman masyading sosyal yun!)dahil sumakit ang ulo ko pagkatapos. Major brainfreeze. Naramdaman ko ring parang gusto kong masuka. Pero dahil iyon sa nakaupo ako sa balcony ng bus pauwi kung saan matagtag ang biyahe.
Hindi nga pala ako binayaran ng Ice Monster para mag advertise.
No comments:
Post a Comment