Wednesday, August 25, 2004

Practice Lab Session

Pakiramdam ko didikit na sa mata ko yung ocular ng microscope ko. At feeling ko rin lahat ng makita kong pahaba na bulate-like ay bulate tapos lahat ng mukhang itlog ng bulate ay itlog ng bulate. Kapag nakakakita ako ng naglalako ng fishball o kung anumang street food sa labas ng UP ang naiimagine ko mga bulate. Bulate sa lupa, bulate sa hangin, bulate sa balat, bulate sa ilalim ng kuko, bulate sa paborito mong pagkain. Lahat may bulate. Nakakapraning. Kung di naman bulate, bacteria. Sa table ko sa lab may staph aureus, sa lab gown ko dumikit ang e.coli, may bacteria sa microscope, sa lapis, sa alchol lamp. May bacteria rin sa kamay at sa balat. Sa loob ng bibig may bacteria rin. Bacteria at bulate. Bulate at bacteria. Paranoia.

Don’t forget to wash your hands. May bacteria rin diyan sa mouse at keyboard niyo.

And in the end, we all go home to defecate

Written in bold letters on our course outline for Parasitology 10N: Bring: fresh stool sample on Aug 13
Watda?! First meeting ng lab? ano yan (sabi nga ni aylin), baptism of fire?
Bring your own. Syempre nga naman mas gugustuhin kong usisain ang sariling akin kaysa sa jerbs ng iba. But I failed. Nalate pa ko dahil dyan. E ano bang magagawa ko kung ayaw talaga diba?! Nilunok ko ang aking pride at nanghingi ako ng stool sample sa lab seatmate ko. Sa totoo lang, di ko na alam kung kaninong jerbs na yung tinitignan ko sa ilalim ng microscope. Chaos na kasi sa klasrum nun. Naitapon ko pa nga yung lalagyan ng stool nung isa kong kaklase kasi naman sabi itapon na raw pag tapos na. Edi tinapon ko kasi tapos na ko. E yung may-ari nun di pa pala tapos. Magulo na yung utak ko nun.. Naghalo-halo ang amoy ng 70+ na tae. Kadireeee. Kahit naka mask ka. Maamoy mo pa rin. Ganun katindi. At malas mo pa kung katulad kita, na ilang beses pinaulit ng lab instructor na gumawa ng DFS (direct fecal smear). "Ma'am wala nga akong dala e kulit mo!" Pero hindi ko sinabi yan syempre.

No comments: