First Time sa Community
Sa college namin, part ng clinical duty ng student nurse hindi lang ang hospital exposure kundi pati na rin yung community exposure. Sa Pasay ako na-assign. Do’n sa may San Pablo Health Center sa may malapit sa border ng ParaƱaque atsaka Pasay. Siyempre dahil first time kong magcocommunity nursing yung may totoong pasyente kaya hindi ako late. Maaga pa nga e. Halong excitement, saya tapos kaba. Yung para bang natatae ka pero hindi. Parang ganon. Plantsadong-plantsado ang uniform. Bagong-bago ang sapatos. Bagong bag. Kumpletong supplies. Para bang ipinagsisigawan na "Hoy tignan niyo ko nurse na ako! First time ko 'to." Totoong-totoo na ‘to. Hindi na ‘to tulad nung sa lab na lab partner mo ang uusisain. This is really is it. Dalawa lang ang pwedeng kahinatnan: magustuhan mo o mapagdalawang isip ka sa kursong pinili mo.

Unang beses ko ring nakasakay nun sa CN van. Medyo masakit pa ang ulo ko nung pumasok ako, kaya naman nung binuksan ko yung pinto ng van at pumasok ako sa loob, parang gusto ko na ulit lumabas. Dahil mahilo-hilo pa ko nun, parang gusto ko nang masuka. So ayun, tiniis ko na lang ever. Tapos umandar na yung van. “Hoy manong wala pa si Ma’am!” May sinabing kung ano si Manong driver, di ko naintindihan. Ok fine. Iwan na lang natin si Ma’am. Hindi aircon ang van ng CN kaya I-can-feel-the-air ang drama naming lahat. Window side pa naman ako. At believe me, mas gusto kong masuka nung naamoy ko yung pinahalu-halong aroma ng usok ng Maynila, car air freshener nung van at basura sa kalsada. Di pa man kami nakakarating ng San Pablo, mukhang ako na yata ang magiging sarili kong pasyente.
Makipot yung mga daan tapos ang raming bahay kaya nagulat kami nasa Health Center na kami agad. Jampacked ang center. Daming tao. Puro sanggol. Out of nowhere, nag-appear si Ma’am. Sinabi muna niya yung mga dapat naming gawin para sa araw na ‘yun. Tapos pumasok na kami sa center. Una parang nawawala pa ako. Sa una kasi parang mahihiya kang lapitan yung mga pasyente. Pero di rin nagtagal yun kasi alam kong marami pa kong kailangang gawin. Nilapitan ko ang unang pasyenteng nakita ko. Sa pamamagitan ng aking award-winning smile (ahem… wag ng kumontra..) at therapeutic communication skills nagpakilala ko. “Magandang umaga po ako po si Erica Diaz. Ako po yung magiging nurse niyo ngayong araw na’to…blah blah blah”. Ganun talaga pakapalan ng mukha pag nurse ka na. At syempre dapat feeling close ka na agad. Kailangang magkaron kayo ng rapport ng pasyente. Buti na lang mabait ang nanay ng napili kong patient. Hindi ko alam kung alam niyang first time ko. May kodigo pa kasi ako nung naghehealth history e. Halatang-halata. Yung mga ibang tanong niya hindi ko masagot. Katulad ng “Kelan ba magkakangipin ang baby ko?”. Alam ko 6 months pero di ako sigurado. No sweat mag-health history, baby kasi ang pasyente. Madali rin lang ang vital signs at pagkuha ng weight. Pero mahirap kumuha ng anthropometric measurements (head circumference, chest circ at waist circ) habang nakatingin si Ma’am. Nakakakaba. Siguro dahil baby yun at medyo fragile atska yung pressure na alam mong nakatingin ang CI (clinical instructor) mo sa’yo, bawal kang magkamali.
Yung pasyente ko, nagpunta sa health center para magpabakuna. Pagkatapos maturukan (hindi ako ang nagturok) sumama na ako sa kanila pauwi para sa home visit. Kabuntot si Ma’am siyempre pero sa bahay ng pasyente ni Mae siya sumama. Parang nawawala nanaman ako. Hindi ko nanaman alam kung san maguumpisa pano kasi, natulog si baby. Hindi ko tuloy siya maphy-physical exam. Sa pagbalik ko na nga lang. Pinagmeryenda pala muna ako, nakakhiya nga e siyempre kasi hindi naman mayayaman ang pasyente sa center kaya yung paghanadaan ka nila maski sprite at skyflakes malaking bagay na yun. Pero naisip ko mas nakakahiya kung di ko kakainin yun kasi nagabala pa sila para sa kin. Ininom ko na rin yung sprite at binaon ko na lang yung skyflakes. Sa susunod ako naman siguro ang magdadala ng meryenda.
Bumalik na kami ni Donna sa center. Magkapitbahay lang kasi yung pasyente naming. Hindi ko alam kung matatandaan ko ang daan kapag babalik na kami dun. Marami kasing pasikot-sikot. Bahala na. Basta malapit sila sa “dagat”. Nung pabalik kami yung mga tambay naririnig ko sabi nila “Nurse ito o may sakit sa puso… yadda yadda”. Natawa na lang kami.
Pagbalik sa center. Nag-coffee break muna kami bago kami pumasok ulit sa loob at nautusan akong kumuha ng BP ng mga pasyente. At siyempre dahil libre yun, pila-pila na sila. Yung isa nga sobrang taas ng BP e. Medyo nabarbero ko yata yung reading ko ng BP niya. 160/110 kasi dapat ang sinabi ko 140/110 lang. High blood kasi. Nakakatakot. Anyways, yung isa ko namang kinuhaan ng BP sobrang machika. Siya naman kabaliktaran nung isa dahil super low blood niya. Matagal na raw kasi siyang dinadatnan. Tinanong ko kung ilang linggo na. Sabi niya “Hindi linggo ‘no. Buwan na!”. Ok fine. Dahil daw kasi yun sa pills. Tinanong ko kung nagpatingin na siya sa doctor dapat kasi magmukha kang concerned or at least maparamdam mo sa kanya na concerned ka parang ganun.
Pagkatapos tinawag na kami ni Ma’am para sa conference. Sa ilalim lang ng puno, nothing formal. Sasabihin naming kung ano ang mga natutunan namin para sa araw at kung anu-ano pang kachuvahan na dapat naming ituro sa pasyente. Hindi toxic si ma’am para lang nga kaming naglalaro e. Yun nga lang sa totoong buhay na. Dyahe lang kasi masakit ang ulo ko nun. Di ko masyadong na-enjoy. Pero kung di siguro masakit ang ulo ko, kahit na pagod ayos lang kasi masaya naman.
Ito na yung gagawin ko for the rest of my life, I’d either love it or hate it.

No comments:
Post a Comment