Saturday, August 28, 2004

onli in da Pilipinas kong mahal at mura lang dito sa puso ng saging kiko matsing at pong pagong

kakaiba rin dito sa Pinas no? kapag sinabing 7 PM, ang ibig sabihin 8 PM pa maguumpisa ang party. kapag sinabing semi-formal ang attire, naka-jeans ang mga tao. kapag formal naman, naka semi-formal naman sila. ano ba talaga?!

at dito ka rin lang makakakita ng handaang walang lamesa. puro upuan. yung mga nirentahang table andun sa mga sunog-baga na walang kamuwang-muwang na sila rin ay excellent candidates for cirrhosis. yung mga bisita hirap na hirap kumain mula sa paper plate ng nakatayo habang ang mga walang hiyang sunog baga, ayun nagpapalaki ng tiyan habang nilalason ang kanilang mga apdo. grrr... damn them all.

at exclusive sa Pilipinas na yung kasali sa 18 roses ng debutante ay nakashirt, nakashorts, naka cap at all clad na parang clone ni Nelly (in other words, jologers ever). Duh! Shit mamamatay ako andami nila e. Feeling nigger ang mga gag*. Call me judgemental. Wala akong pakialam. Dumadami na ang population nila. Sa Rob din ang dami. gawd... tsk tsk. iyan ba ang napapanood sa telebisyon ng mga kabataan ngayon? poor them.

dito rin lang sa Pinas mo maeencounter yung mga tao na magpapakipot muna, pero magsasalita rin naman pala sa mic. lam mo yun? minsan nakakainis. minsan ok lang. ewan.

tapos may isang babae, wala naman siyang ginagawa sa 'kin. pero inoobserve ko siya form a distance (ewan ko kung bakit). at naiinis ako sa kanya. yung inis na parang gusto kong itapon sa mukha niya yung pagkain ko. parang ganun. hindi ko alam kung bakit. naiirita ako sa kanya. grrr.. pag naaalala ko yung pagmumukha niya. naiirita pa rin ako. grrr...

ngayon ko lang nalaman, na pwede rin pala akong magpaka anti-social. siguro naiirita rin sila sa 'kin. well, paki ko?


Friday, August 27, 2004

may comments thingy na 'ko
Due to insistent public demand(read as: Sedricke), finally, may comments link na rin ako. Courtesy of Haloscan. Di ko pa nalalagay sa bloggy ko yung credits kasi tinatamad pa ko. Anyway, pag wala na lang akong magawa ulit saka ko siya aayusin. K? Basta, gamitin niyo yan. Para sa inyo yan. Huwag niyong sayangin ang pagkakataong mang-okray. N0 censorship tayo dito. Pwede kahit ano. Freedom of speech e. Ginagalang ko yang karapatan niyo. Ang comments link na ito ay karagdagang outlet ng naghihimutok, nagpupumiglas at di mapigil-pigil na damdamin (parang tae no?). Gamitin niyo yan. INUUTUSAN KO KAYONG LAHAT MAG-COMMENT, ANG HINDI SUMUNOD SWANGIT!

Wednesday, August 25, 2004

Newsflash: heaven is taking sides now... and it's on mine!

Narcolepsy took its toll on me again. I was studying for my Micro exam and I haven't even gotten through half the handouts and lecture notes when it did. Like the silent and treacherous akyat-bahay,it crept through every nerve, bone and muscle. With the highlighter left open leaving a huge stain of highlighter ink on my bed sheet and photocopied lecture notes scattered just about everywhere, I dozed off while the Micro test found its way into the deep recesses of my subconscious. I was too sleepy and too darn narcoleptic (only when I’m studying) to think about bacteria or viruses or fungi. With no effort to battle drowsiness, I fell asleep… just like that. I didn’t know a thing on fungi and viruses and I wasn’t able to prepare for the health teaching session I was supposed to have with my client the next day.
The following morning, as if all heavens knew, classes were suspended. Thank goodness. Now I have more time to waste :)
Practice Lab Session

Pakiramdam ko didikit na sa mata ko yung ocular ng microscope ko. At feeling ko rin lahat ng makita kong pahaba na bulate-like ay bulate tapos lahat ng mukhang itlog ng bulate ay itlog ng bulate. Kapag nakakakita ako ng naglalako ng fishball o kung anumang street food sa labas ng UP ang naiimagine ko mga bulate. Bulate sa lupa, bulate sa hangin, bulate sa balat, bulate sa ilalim ng kuko, bulate sa paborito mong pagkain. Lahat may bulate. Nakakapraning. Kung di naman bulate, bacteria. Sa table ko sa lab may staph aureus, sa lab gown ko dumikit ang e.coli, may bacteria sa microscope, sa lapis, sa alchol lamp. May bacteria rin sa kamay at sa balat. Sa loob ng bibig may bacteria rin. Bacteria at bulate. Bulate at bacteria. Paranoia.

Don’t forget to wash your hands. May bacteria rin diyan sa mouse at keyboard niyo.

And in the end, we all go home to defecate

Written in bold letters on our course outline for Parasitology 10N: Bring: fresh stool sample on Aug 13
Watda?! First meeting ng lab? ano yan (sabi nga ni aylin), baptism of fire?
Bring your own. Syempre nga naman mas gugustuhin kong usisain ang sariling akin kaysa sa jerbs ng iba. But I failed. Nalate pa ko dahil dyan. E ano bang magagawa ko kung ayaw talaga diba?! Nilunok ko ang aking pride at nanghingi ako ng stool sample sa lab seatmate ko. Sa totoo lang, di ko na alam kung kaninong jerbs na yung tinitignan ko sa ilalim ng microscope. Chaos na kasi sa klasrum nun. Naitapon ko pa nga yung lalagyan ng stool nung isa kong kaklase kasi naman sabi itapon na raw pag tapos na. Edi tinapon ko kasi tapos na ko. E yung may-ari nun di pa pala tapos. Magulo na yung utak ko nun.. Naghalo-halo ang amoy ng 70+ na tae. Kadireeee. Kahit naka mask ka. Maamoy mo pa rin. Ganun katindi. At malas mo pa kung katulad kita, na ilang beses pinaulit ng lab instructor na gumawa ng DFS (direct fecal smear). "Ma'am wala nga akong dala e kulit mo!" Pero hindi ko sinabi yan syempre.
First Time sa Community


Sa college namin, part ng clinical duty ng student nurse hindi lang ang hospital exposure kundi pati na rin yung community exposure. Sa Pasay ako na-assign. Do’n sa may San Pablo Health Center sa may malapit sa border ng ParaƱaque atsaka Pasay. Siyempre dahil first time kong magcocommunity nursing yung may totoong pasyente kaya hindi ako late. Maaga pa nga e. Halong excitement, saya tapos kaba. Yung para bang natatae ka pero hindi. Parang ganon. Plantsadong-plantsado ang uniform. Bagong-bago ang sapatos. Bagong bag. Kumpletong supplies. Para bang ipinagsisigawan na "Hoy tignan niyo ko nurse na ako! First time ko 'to." Totoong-totoo na ‘to. Hindi na ‘to tulad nung sa lab na lab partner mo ang uusisain. This is really is it. Dalawa lang ang pwedeng kahinatnan: magustuhan mo o mapagdalawang isip ka sa kursong pinili mo.


Unang beses ko ring nakasakay nun sa CN van. Medyo masakit pa ang ulo ko nung pumasok ako, kaya naman nung binuksan ko yung pinto ng van at pumasok ako sa loob, parang gusto ko na ulit lumabas. Dahil mahilo-hilo pa ko nun, parang gusto ko nang masuka. So ayun, tiniis ko na lang ever. Tapos umandar na yung van. “Hoy manong wala pa si Ma’am!” May sinabing kung ano si Manong driver, di ko naintindihan. Ok fine. Iwan na lang natin si Ma’am. Hindi aircon ang van ng CN kaya I-can-feel-the-air ang drama naming lahat. Window side pa naman ako. At believe me, mas gusto kong masuka nung naamoy ko yung pinahalu-halong aroma ng usok ng Maynila, car air freshener nung van at basura sa kalsada. Di pa man kami nakakarating ng San Pablo, mukhang ako na yata ang magiging sarili kong pasyente.
Makipot yung mga daan tapos ang raming bahay kaya nagulat kami nasa Health Center na kami agad. Jampacked ang center. Daming tao. Puro sanggol. Out of nowhere, nag-appear si Ma’am. Sinabi muna niya yung mga dapat naming gawin para sa araw na ‘yun. Tapos pumasok na kami sa center. Una parang nawawala pa ako. Sa una kasi parang mahihiya kang lapitan yung mga pasyente. Pero di rin nagtagal yun kasi alam kong marami pa kong kailangang gawin. Nilapitan ko ang unang pasyenteng nakita ko. Sa pamamagitan ng aking award-winning smile (ahem… wag ng kumontra..) at therapeutic communication skills nagpakilala ko. “Magandang umaga po ako po si Erica Diaz. Ako po yung magiging nurse niyo ngayong araw na’to…blah blah blah”. Ganun talaga pakapalan ng mukha pag nurse ka na. At syempre dapat feeling close ka na agad. Kailangang magkaron kayo ng rapport ng pasyente. Buti na lang mabait ang nanay ng napili kong patient. Hindi ko alam kung alam niyang first time ko. May kodigo pa kasi ako nung naghehealth history e. Halatang-halata. Yung mga ibang tanong niya hindi ko masagot. Katulad ng “Kelan ba magkakangipin ang baby ko?”. Alam ko 6 months pero di ako sigurado. No sweat mag-health history, baby kasi ang pasyente. Madali rin lang ang vital signs at pagkuha ng weight. Pero mahirap kumuha ng anthropometric measurements (head circumference, chest circ at waist circ) habang nakatingin si Ma’am. Nakakakaba. Siguro dahil baby yun at medyo fragile atska yung pressure na alam mong nakatingin ang CI (clinical instructor) mo sa’yo, bawal kang magkamali.


Yung pasyente ko, nagpunta sa health center para magpabakuna. Pagkatapos maturukan (hindi ako ang nagturok) sumama na ako sa kanila pauwi para sa home visit. Kabuntot si Ma’am siyempre pero sa bahay ng pasyente ni Mae siya sumama. Parang nawawala nanaman ako. Hindi ko nanaman alam kung san maguumpisa pano kasi, natulog si baby. Hindi ko tuloy siya maphy-physical exam. Sa pagbalik ko na nga lang. Pinagmeryenda pala muna ako, nakakhiya nga e siyempre kasi hindi naman mayayaman ang pasyente sa center kaya yung paghanadaan ka nila maski sprite at skyflakes malaking bagay na yun. Pero naisip ko mas nakakahiya kung di ko kakainin yun kasi nagabala pa sila para sa kin. Ininom ko na rin yung sprite at binaon ko na lang yung skyflakes. Sa susunod ako naman siguro ang magdadala ng meryenda.
Bumalik na kami ni Donna sa center. Magkapitbahay lang kasi yung pasyente naming. Hindi ko alam kung matatandaan ko ang daan kapag babalik na kami dun. Marami kasing pasikot-sikot. Bahala na. Basta malapit sila sa “dagat”. Nung pabalik kami yung mga tambay naririnig ko sabi nila “Nurse ito o may sakit sa puso… yadda yadda”. Natawa na lang kami.


Pagbalik sa center. Nag-coffee break muna kami bago kami pumasok ulit sa loob at nautusan akong kumuha ng BP ng mga pasyente. At siyempre dahil libre yun, pila-pila na sila. Yung isa nga sobrang taas ng BP e. Medyo nabarbero ko yata yung reading ko ng BP niya. 160/110 kasi dapat ang sinabi ko 140/110 lang. High blood kasi. Nakakatakot. Anyways, yung isa ko namang kinuhaan ng BP sobrang machika. Siya naman kabaliktaran nung isa dahil super low blood niya. Matagal na raw kasi siyang dinadatnan. Tinanong ko kung ilang linggo na. Sabi niya “Hindi linggo ‘no. Buwan na!”. Ok fine. Dahil daw kasi yun sa pills. Tinanong ko kung nagpatingin na siya sa doctor dapat kasi magmukha kang concerned or at least maparamdam mo sa kanya na concerned ka parang ganun.


Pagkatapos tinawag na kami ni Ma’am para sa conference. Sa ilalim lang ng puno, nothing formal. Sasabihin naming kung ano ang mga natutunan namin para sa araw at kung anu-ano pang kachuvahan na dapat naming ituro sa pasyente. Hindi toxic si ma’am para lang nga kaming naglalaro e. Yun nga lang sa totoong buhay na. Dyahe lang kasi masakit ang ulo ko nun. Di ko masyadong na-enjoy. Pero kung di siguro masakit ang ulo ko, kahit na pagod ayos lang kasi masaya naman.
Ito na yung gagawin ko for the rest of my life, I’d either love it or hate it.

Saturday, August 07, 2004

at the foodcourt

this is what we do...

we just love taking pictures... of ourselves!

yana, kare and me (left to right)
"this wasn't supposed to be wacky..."


"looking into the future... do i really look constipated?"

"yana: strategy, strategy
kare: hmmm... ok ok
egay: wtf!"

another blah entry

maybe i should be reading more Porth and still a lot more Kozier


and another saturday was wasted... kainis. Nagising ako ng 1PM. Kumain ng bruncherienda tapos nagumpisang magbasa ng "How to Bath a Client". Nung nasa part na kung paano papaliguan ang lower extremities, nakatulog ako. Shooot! wtf! Nagising ako mag fofour na. Pagkatapos ng isang oras ng pagbabasa, nagsawa ako. Nood muna. hmmph. Pagkatapos, tinawag nanaman ako ng pc. Sino ba naman ako para tumanggi?
At ganyan nga nasayang ang sabado...
Ever wonder why the Camdens seem so perfect? kills me. :p

Thursday, August 05, 2004

my new template

my new template

wow at last. nakapagbago rin ako ng template. sa notepad lang ako nag-edit. wala na kasi yung frontpage namin. napalitan na ng publisher (woohoo!).

kelangan ba ipaliwanag kung bakit nagpapalit ng template ang isang tao? hindi na no! minsan kasi magsasawa ka rin talaga. medyo ang layo nga nito sa dati kong template e. but i like it. hmmph. wala na lang akong masabi. .. ciao!