You sucks van't hoff
palagay ko, at walang pedeng mangialam, kelangan ko 'tong i-blog. kelangan kong isulat, itala, i-mark, lagyan ng tanda ang araw na ito dahil... hindi ako late! maaga pa nga ako. dahil pagdating ko konti pa lang yung mga tae este tao pala. mga 20 pa lang. 20 out of 70+ ha. yehey. tingin ko ito na ang hinihintay kong simula. simula ng pagbabago. simula ng panibagong kabanata. simula ng pagiging punktwal. mabuhay ako!
at nung akala kong yun lang ang masamang ugaling dapat baguhin... eto nanaman ang isa pa. isang di kanais-nais na paguugali ang nadiskubre ko sa aking pagkatao. oh well, at least i'm on the road to self-discovery and probably identity achievement in the far future (Marcia's Stages of Identity, year:di ko alam). focus. syempre tao lang naman ako. pero nakakainis pala talaga yung facet kong yun. ugali ko kasi hindi ako maka-hindi. kahit na alam ko namang ayoko. nakakainis. naku.. dapat na yang baguhin.
----------------------
maibang dako naman. kanina nagtusukan kami para sumirit yung dugo, pinagmasdan namin iyon hanggang sa tumigil sa pagdaloy at inabangan ang mga bayaning fibrin na dumating. labo no? in short, nag blood typing kami kanina. nakakakaba. nakakatakot. nakakaparanoid. nakakainis (yung mga masakit mag prick gamit ang lancet). pero masaya. parang nagkakaron na ng porma yung pagiging nurse namin. kung baga sa naglelabor na nanay, nakikita na namin ang ulo ng baby. kahit medyo bumbunan pa lang ok lang. at least alam mo na hindi na magtatagal makikita mo na ang baby, mahahagkan, mayayakap, makikiss. hmmm... ang bango ng baby.
Type O ako. universal donor. patunay lang ng mapagbigay at mabuti kong kalooban. ngayon. napakabigat ng bangko kaya ibababa ko na. saka na nga itong kahibangan. gagawa muna ako ng chem lab report.
*pakshet ka van't hoff pinagulo mo lang ang mundo. inincrease mo lang ang entropy ng magulo kong utak. *
No comments:
Post a Comment