Tama ba namang gumawa ng eksena sa UP Health Service???
Bukas last departmental na sa Chemistry lecture. hmmm... mukhang di naman ako magfa-finals dun e. buti na lang. Di yata kakayanin ng powers ko ever ang aralin lahat ng inaral namin ngayong sem. gets? Imbis na nagaaral ako, eto stopover muna sa computer. feeling ko kasi masisiraan na ko ng bait kapag tiniis ko pa ang hindi pag iinternet. and besides, gusto ko makita ang bagong layout ni aylin. kahit na walang klase ngayon ang daming nangyari. hmmph. sad events...
1. physical exam. syempre late ako sa usapan. expected na yun pero (again) hindi ko sinasadya. 8 kasi usapan. 7:30 na ko nagising. pang number 13 tuloy ako. lucky number... NOT!!! yan ang umpisa ng kamalasan.
2. bago ko mag pa check-up kinuha ko ang aking height at weight. ewan defective daw yung scale. pero whatever! tumangkad ako ng 2 cm (wow pare parang ang laki nun?!) at bumigat by 0.5 kilograms. hmm... feeling ko braso ko lang yung tumataba. baka masyado ng nagaatrophy ang mga muscles ko sa braso (the triceps and the biceps). duh! di naman ako nagweweightlift ah. lahat yata ng kinakain ko sa braso napupunta. bat di na lang kaya sila mapunta sa glutes o kaya sa lactiferous gland ko (hindi ko alam kung tama 'to. wtf, tapos na exam. sana lang di rin ako mag finals sa anatomy) ?
3. pagkatapos kong kumuha ng height tska weight, inauscultate na ni dok ang aking lungs, breathing etc. may ubo pa naman ako... buwisit kasi si julius e hinawaan ako ng sakit niya(ang buwisit ay nagmula sa salitang espaƱol na buiz na ang ibig sabihin ay tax o tribute. buizit ang taong nagpapataw sa'yo ng tax). lahat naman ng papalaganapin niya sakit pa. buti na lang fit for enrollment pa rin ako.
4. katulad last year. hindi ulit ako nagpa breast, rectal, genital exam.
5. after 5 decades ayun nakuhanan na ako ng BP ng nurse. dami kasing intermission number e. chika dito chika doon pati sa telepono pati ako chinika.
6. tapos eto na... binigay ni julius yung invitation para sa debut ni jaymi. tapos sumunod, binigay ni mae yung invitation sa debut niya. at sa aking katangahan, nasabi ko kay mae yung surprise para se debut niya na hindi ko alam na surprise kaya nasabi ko sa kanya dahil akala ko alam niya. gets? basta yun. bottom line: i spoiled a surprise. di ko naman kasi alam na surprise yun. sa sobrang slow ko di ko magegets yun kung walang magsasabi sa kin.
7. shet pinaghandaan pala ng kuya ni mae at barkada ni mae (ayoko silang tawaging rave) yung surprise na yun. so, sinira ko ang isang surprise na pinaghandaan ng maraming tao. shet. how tanga could i get? you could just imagine kung gano ako nangliit nung nalaman ko yun. nangliit sa sobrang hiya... feeling ko nagalit sila lahat sa kin. sige, hindi man nagalit, badtrip naman. ewan. di ko maexplain. nag sorry ako. pero alam ko hindi yun sapat. surprise yun para sa debut ni mae, hello!? kahit ilang sorry di na maibabalik yun.
8. ako naman e madaling kausap. at mahilig ako mag sorry hehe. joke. pero hindi nga. tinext ko ang kuya ni mae kahit di ko siya kilala at di kami close. para lang mag sorry dahil sinira ko ang kanyang surprise. akala ko magagalit siya. hindi naman pala. ok lang naman magalit siya. pero ayoko yung sobrang nasira ko yung plano ng iba. mali e..
9. dahil nga mahilig ako magsorry (hehe), syempre nag-apologize ever ako sa kanilang lahat. nakakahiya. napaiyak pa ko sa UP Health Service. ewww... ang daming taong nakakita shit. bullshit talaga. may mga higher years pa dun. ewan ko ba nagpapapansin lang yata ako e. para mag mukhang under dog bwahahaha. habang umiiyak ako natatawa rin ako sa sarili ko. haaay.. nakakahiya talaga. ngayon wala na kong mukhang ihaharap sa health service.
10. nung bumalik na ang aking katinuan. umalis ako agad papuntang AS. magrereturn ng overdue na libro... kunwari! hehe. yuck ayoko nga mag stay dun sa Health Service. waaahh nakakahiya talaga shit shit (1 000 000 X).
No comments:
Post a Comment