Wednesday, January 28, 2004

Gusto ko maging...


Sabi ng naging teacher ko nung high school "Do not stop children from daydreaming once in a while. This is when they plan their future". Galing.
Eto ang produkto ng collective daydreaming ko:
Plano kong grumaduate on time. Ibig sabihin, sa 2007, lalayas na ako sa college of nursing. Twenty years old na 'ko nito. Wala akong balak madelay. At lalong wala sa mga hinagap ko ang abutin ang maximum residency na pwede sa CN. Pagkagraduate, magte-take ako ng NCLEX. Ipapasa ko yun at magiging lisensyadong nurse na ako. Which means, maaacheive ko na ang mga unang letrang idadagdag ko sa pangalan ko, Mary Erica P. Diaz, RN. Hindi muna pala ako tsutsugi papuntang abroad. Gusto ko naman muna magsilbi sa bayan. Hindi ako nagpapakabayani. Gusto ko lang muna tumanaw ng utang na loob sa kanya dahil pinag-aral niya ako. Nakakahiya naman diba? Iskolar ka ng bayan pero ni minsan hindi ka naman napakinabangan ng bayang nagpaaral sayo. Atsaka ayoko lang magkautang. Masyado na 'kong marami nun. And besides, siguro mga 70 thou na ang utang ko sa World bank nun. Mga dalawa hanggang tatlong taon muna akong magtatrabaho dito. Gusto ko sana sa PGH pero dahil masyadong maliit ang sweldo, magttrabaho rin ako sa Asian Hospital and Medical Center. Magtuturo rin ako. Lecturer sa CN o kaya pre-school teacher sa isang IS. Dahil wala naman akong units in Education at wala akong balak kumuha nun, hindi ako makakapagturo ng high school...sayang. Habang nagtuturo ako, gusto ko rin mag masteral. Hindi ko pa sigurado sa ngayon kung anong imamaster ko. Eventually, pag natapos ko yun magkakaron nanaman ng dagdag yung pangalan ko, Mary Erica P. Diaz, RN, MA. Pagkatapos nito, mga 27 na 'ko. Hopefully, meron na akong sariling bahay hindi masyadong magarang bahay, tama lang at yung SUV (o kaya sports car kung kasya sa budget) on the way pa lang. Pwede na 'kong mag-asawa (oo naman, gusto ko rin mag-asawa 'no!). Pero dahil masyado akong busy, walang magpapakasal sa 'kin, kaya magaabroad na lang ako. Doon ako magkakamal ng salapi habang ginagamot ang mga pasyenteng puti, magkakaron ng apartment, magiging tekky nurse (hehe), magkakaron ng kotse at magpupunta sa disney world. Magpapagawa ako ng magandang bahay sa Pinas. Dapat magkaasawa na 'ko nito. Kung wala pa rin, ibig sabihin hindi na ko magaasawa. Pero hindi ako magiging bitter old maid katulad ni Olive. Mangsspoil ako ng mga pamangkin. Yun ang magiging hobby ko. Parang gusto ko rin yata mag PhD. Tapos nun... blangko. Sa susunod na pagddaydream ko na lang sa klase.

No comments: