Goshness. Hindi pa man ako nakaka-recover mula sa last Anatomy long exam, ayan nanaman may exam nanaman ulit kami. Tatlong boring na chapters ang kelangang basahin idagdag pa yung mga photocopied notes. Darn! Wala pa kong nauumpisahan! At imbes na mag-aral, inaksaya ko ang oras ko sa pagpeperfect ng french manicure na binura ko rin naman dahil laging nasisira. Kainis. Hindi kasi ako marunong magmanicure ng kanang kamay. So, mga tatlong oras akong nakaupo sa sulok at pilit na piniperpekto ang sining ng french manicure pero sumuko rin ako dahil hindi ko talaga magawa. In fairness, yung sa paa okay naman. Next time nga t-try ko yung black na nail polish para asteeg. connect?
Binigay na sa min yung Ward assignments namin para sa clinical immersion ng CW. Ang ward ko? (tada!) Pediatrics. Mukhang okay no? Natuwa nga ako e dahil at least mga bata lang mga kelangang kausapin at utuin. Pero wag ka, pagdating namin dun 'sus sobrang raming pasyente. Nakakatakot pa kasi sabi nung head nurse yung isang patient dun may TB. Wala pa naman yata akong booster shots ng TB. Sabi niya kelangan daw namin bumili ng mask para hindi mahawa. Sana naman okay na ang surgical mask at alcohol para malabanan ang TB. Kung hindi, goodluck na lang sa 'kin. At least, hindi ako napunta sa surgery. :) Kaya mag
Useless Knowledge na ulit tayo
» The skin of the armpits can harbor up to 516,000 bacteria per square inch, while drier areas, such as the forearm, have only about 13,000 bacteria per square inch.
kaya maliligo dapat tayo araw-araw
No comments:
Post a Comment