Thursday, December 25, 2003

Merry Christmas!


Waaah! Help! May lumilipad na ipis! Lintek na mga ipis yan. B'at ba di pa sila mamatay lahat? Ang pangit-pangit naman ng itsura nila, oblong, brown tapos mabuhok yung paa. Magugulo ba ang balance ng mundo kapag namatay lahat ng ipis? E bat sa Singapore wala raw ipis hindi naman nagulo yung ecosystem nila? Ewan. Swerte pa ng mga peste dahil nakakalipad sila. Bwiseeeeet talaga!

Eniwey, nage-mail sa kin yung the calling fans club. They sent us a freakin' christmas letter! Waaah! Nakakabaliw. Ang pogi-pogi mo talaga Alex Band. Hanggang ngayon nagugulo ang mundo ko dahil sa'yo. Pakakasalan na kita. At kahit mabagal ang internet connection ko wala akong pakialam pinanood ko parin ang bago nilang video ng stigmatized. Kahit puro likod tsaka paa lang yung nakita ko, ayos lang, at least nakita ko siya. That's the best Christmas gift ever! Talk about major kababawan...

Twelve na ko nagising ngayon kaya as usual wala nanaman akong nagawang mabuti. Actually meron naman. Ako yung gumawa nung walang kamatayang salad ng pasko. Oo ako nga. Wala ng iba. Ipinagkatiwala sa kin ang kapalaran ng salad ng pasko. Wow... Hindi naman kasi mahirap gumawa ng salad 'no! Halo-halo lang ng ingredients tapos yun na, may salad ka na. Nadamihan ko nga lang ng onti ng condensed milk tapos nabuhos ko lahat ng raisins tapos ang dami masyadong marshmallow yung nalagay ko nagmukha tuloy marshmallow ang raisins salad yung fruit salad namin. Bukod dun, okay lang naman. Wala pa namang umaangal. Ang umangal... alam niya na ang mangyayari sa kanya.

Yung nanay ko naman nagfeefeeling magaling cook din (walang magaling magluto dito sa household namin). Nagluto pa ng relyeno e hindi naman marunong! Napakacomplicated pa namang lutuin nun. Buti na lang may cookbook dito kahit na sobrang pathetic nung cookbook na yun. Medyo success naman yata yung luto niya dahil nasarapan siya. Hindi ko tinikman dahil di naman ako kumakain nun.

Tinutulugan ang pasko sa 'min. Hindi uso ang noche buena kaya andito nanaman ako sa harap ng computer, nagpapakalasing sa internet. Bukas na lang kami magsisimba. Tutal 25 naman talaga ang Pasko diba?

No comments: