Lantern Parade, Today
Lantern Parade namin ngayon. Hindi ko akalaing ganun pala kagulo (at kasaya na rin) ang taunang tradisyong ito. Unang-una, sino namang maeenganyo sa pangalang Lantern Parade? Ang corny at parang walang kabuhay-buhay. Parada ng mga parol, e ano ngayon? Pangalawa, parada yun. Dah! Saan naman kami magpaparada, parang napakalaki ng campus namin dba? Parada yun, pampaubos lang ng energy yan, walang kwenta kasi maglalakad kayo habang nagdadaldalan with your friendships e pwede niyo namang gawin sa mall yun, air-con pa! Pero hindi, iba ang Lantern Parade sa UP Manila. Ibang klase. Oo, nakakapagod pero masaya... sobra. Pati mga faculty hindi KJ. Okei lang kahit hindi makinig sa mga emcee walang magsasaway. Ang magsaway malaking KJ! Basta dapat i-cheer ang college of nursing. Yung college pa naman namin parang napaka-desperado kasi kulelat daw last year kaya lahat pinatulan na lahat pati pag oocho-ocho sa kalsada. Buti na lang nanalo kami ng award at hindi naman nasayang ang paghubad namin ng aming hiya ever!
Yan tuloy nae LSS ako. We're number one, not two, not three, not four (3x).
Ang saya-saya ng Lantern Parade para kaming nasa mosh pit, a milder kind of mosh pit kasi wala naman nagrorock dun diba? Sana nga meron na lang e para masaya.
I'm starting to love my college... CN pa rin.
No comments:
Post a Comment