Phateros
nanggaling nanaman kami ng Pateros nung Sabado. buti na lang mabait si Lord di umulan. pero di rin ako nakapag-sunblock, dang! at dahil magaling kami ng aking partner na si blove, na-assign kami sa Siberia. you don't ever want to be assigned to Siberia, sa mabaho at maputik na Siberia ng Sitio Pagkakaisa A. had we known, na yun na pala yung Siberia, we would never have agreed to be assigned there. kaya nga lang, magaling kami, we took it as a challenge. right... haha.
half way through the survey mangiyak-ngiyak na kami. yung mga kasama namin, patapos na, kami wala pa sa kalahati tapos ang dami pa naming nakalimutang itanong. we just wanted to get out of the place. kaya pumunta kami dun sa suki naming tindahan, to take the break we deserved. after sinukmani, sprite, skyflakes, mr.chips, boy bawang and tootoos nga ba yun? (puro junkfoods), we were so back in the game.
actually, i'm getting the hang of this community diagnosis thing. adventure and bonding to the max ito. sana lang, pumasa kami sa panlasa ni dones. i heard siya raw yung mag-ggrade sa min. oh no! actually, di pa kailangan mag-panic ngayon. ready... get set... panic!
mas marami kaming bloopers ngayon. meron kaming household na sinurvey for hypertension. and there was this family member na 110/30 ang BP, not a very promising reading for aa 20-something adult male, medyo abnormal nga e. halos lagyan na namin ng taning ang buhay niya. medyo tinakot nga yata namin siya. but fear is good, most of the time, fear warrants compliance. siguro naman magpapacheck-up na siya. hopefully. sabay gatong pa ng biyenenniya sa anak niya "hala... wala ka ng tatay...". haha. pinigil ko ang tawa ko nung sinabi niya yun. ngayon, naniniwala na ko sa antagonistic mothers-in-law
marami ring mga bouts of laughter which were most of the time unaccounted for, habang siryoso kaming nagiinterview ng mga tao sa kanilang mga bahay-bahay. ewan ko nga e. baka nawi-wirdohan na sila samin. bahala sila.
tapos yung weighing scale na dala-dala namin. it was the funniest thing. haha. you have to see it to believe it. but it was functional nevertheless. :D eto lang masasabi ko, susmaryosep!
babalik nanaman kami sa thursday. yay! Siberia again... sweet...
No comments:
Post a Comment