Wednesday, March 30, 2005

heat wave

heat wave
my overused statement for today (and perhaps a couple more months): NAPAKAINIT!!!

sobrang init talaga. kaya naman pala naimbento ang summer vacation e . dahil wala sigurong gaganahan mag-aral kung ganito kainit tapos yung classroom niyo hindi aircon tapos siksikan pa. sus, naiimagine ko pa lang nanlalagkit na ko. ewww... ito yung pinaka ayokong feeling sa lahat. yung mainit na medyo humid tapos parang laging pawis yung mga tao.kadiri talaga. sa sobrang init bumigay na yung isa naming fan. overheat daw. right...

tapos pansin niyo? mas maraming creepy, crawly stuff kapag summer. ayoko pa naman nun. yung pinakanakakatakot e yung mga lumilipad sa malapit sa ilaw pag gabi. parang hindi nga nauubusan ng pila ng mga langgam sa kusina namin e. kahit anong pahid ng miracle chalk (na bigay ni Tita Del, pangontra raw sa ipis at langgam, pero di ako naniniwalang miracle yun) ang gawin mo, hindi pa rin sila mawala-wala. sa bagay kailangan natin silang intindihin, 'they're saving up for the rainy days'. hehe.
kanina habang tirik ang araw, tanghaling tapat, at walang magandang palabas sa tv, naisip ko bakit ba hindi na lang mag-hibernate ang mga humans pag tag-init katulad nung ginagawa ng mga oso pag winter? sa ganong paraan, hindi na natin kailangan magpawis at mag give-off ng heat na dumadagdag pa sa amount ng universal heat energy. hindi rin naman efficient ang magtrabaho pag ganito kainit dahil mas mabilis tayong mapagod. di naman tayo tulad ng mga langgam na kailangan mag-ipon ng food para sa tag-ulan dba?
kaya lang hindi pwede. masyado tayong ginawang adaptable ni mother nature. kainis.
ayun. kaya rin natutuwa akong manood ng spongebob. kasi sila kahit sa ilalim ng dagat, nagssnow pa rin. kaya gusto kong pumasok. kasi sa school aircon. sa bus aircon din. sa rob aircon din. kung pwede nga lang dun na matulog para malamig e gnawa ko na. kaya lang di ako nakapasok ngayon. bad trip. dami ko pa namang lalakaring mga bagay. tapos gusto ko rin magpalamig sa bus. oh well, bukas na lang siguro. buti na lang pala binalita sa kin kanina na hindi nako magffinals sa kahit anong subject. yehey!!! ang saya.
pero mainit pa rin ngayon. malapit na kong maligo sa ice water.

No comments: