Saturday, June 26, 2004

my big, fat wedding disaster

my big, fat kitchen DISASTER

ewan ko ba kahit san ako mapunta ayaw talaga akong tantanan ng malas o di kaya sakuna.
ganito kasi yun. wedding ngayon ng tito ko. so pumunta ko. actually, ayoko nga nung una. pero napilit na rin ako. hindi na 'ko pumunta sa simbahan, dyahe pa yun e. dumerecho na ko agad sa handaan. anyway, yung handaan, sa bahay lang naman ng tito ko. nothing fancy. yung isa kong tita naghihintay sa bahay. hindi rin siya sumama sa simbahan dahil siya yung magaasikaso ng stuff. tamad mode on nanaman ako, nagsasoundtrip, nakatingin sa kawalan. freeing my mind. haha. habang natataranta na ang aking tita sa paghahanda. ahem. what can i say? talagang tamad po ako.

inutusan ako ng tita ko gumawa ng sawsawan para raw sa lumpia (lingid sa kanyang kaalaman ang gulong pinasok niya). lagyan ko raw ng bawang, suka at paminta. pumunta ko sa kusina para gawin yung sawsawan. okei, madali lang naman yun e, nakita ko ng gumawa ng ganun ang nanay ko. inuna ko ang suka. so far so good... sumunod naman yung bawang. 3 cloves ang dinurog ko gamit ang mortar at pestle. inilagay ko sa suka. aba mahusay... palatable pa naman ang ginagawa ko. last kong idinagdag ang paminta. hindi ko maalala kung durog o buong paminta ang ilalagay pero dahil ang una kong nakita sa kusina ay buong paminta yun ang nilagay ko. kaya lang nabuhos ko yung buong bote dun sa sukang may bawang. as in buong bote. imbis na 'sukang may bawang at paminta' ang kalalabasan, naging 'pamintang may suka at bawang'. nagpanic ako at kinuha ko yung mga paminta. baka sakaling ma-save ko pa yung sawsawang ginagawa ko. nung natanggal ko na lahat ng paminta, medyo gray na yung suka. at nalaman kong pamintang durog pala dapat ang ilalagay. galeng... huli na ang lahat. ubos na ang suka.

at aba ang lakas rin ng loob netong tita ko. pinagawa pa ko ng juice. bwahahaha.

No comments: