Saturday, February 14, 2004

Wow ang swerte ko...


Great. Friday the 13th hit me like a terrible, terrible storm. On second thought, storm is such an unjust comparison. A tornado is more like it. All of a sudden Lady Luck won't smile at me. Badluck has taken over and it struck me like a thousand raging, fiery meteorites (is that what you call a meteor that has entered Earth's atmosphere? I'm not so sure educate me please...). Oh darn how pissed I was...

Nagsimula ang sunud-sunod na kamalasan nung nagising ako, bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot kong kama at tumingin sa wall clock ng sala namin. Shoot! Seven twenty na. Ang klase ko 7. Gusto kong magmura, sumigaw, magtitili para lang bumalik ang oras kahit na alam ko namang wala na akong magagawa. Nagpramis pa naman ako nung gabi na hindi na ako malelate sa Chem lab ulit. Pagkatapos ng ilang sandaling pagiisip at walang patumanggang paninisi sa nanay ko dahil hindi nanaman niya ako ginising, naisip ko ang pinaka mainam na gawin-- aabsent na lang ako! So ayun na nga. Hindi na nga dapat talaga ako papasok. Matutulog na nga dapat ulit ako e kaya lang nakita ko yung peste naming lab manual. Fuck kailangang ipasa yung written report ngayon! Hindi pwede bukas, sa isang araw o kaya kahit kelan dahil kailangan ngayon ipasa yun. Not later, not sooner dapat sakto kung hindi.. the tiyanak shall get me. Hindi ako pwedeng magpasa ng late report dahil yun na lang ang pinagkukuhanan ng grade ko sa chem lab. Wala akong matitinong quizzes dahil kung hindi bagsak, ibig sabihin hindi ako nakapag-take ng quiz na yun dahil syempre, late ako. Hindi ko rin pwedeng asahan yung dept exam ko dahil t*e yun siguradong bagsak ako dun. Kaya ayun pumasok na lang ako. Nagmadali akong magbihis. Sumakay ng fx (para mabilis) pero pagdating ko nung terminal ng fx, medyo mahaba yung pila. Ayan late na nga ako magsasayang pa 'ko ng oras sa pagpila. P*tek talaga ano ba namang klase yan?!!
Hindi ko na ibibilang sa kamalasan ko yung mainit na fx tsaka yung pagkabilad ko kahit na inisip ko munang mabuti kung saan ba dapat ako uupo para malayo sa mainit na sikat ng araw. Hindi ko na rin isasama yung mga nakakainis na poster sa ilalim ng LRT. Not counted na lahat yun.
Dumating ako ng skul 30 minutes bago matapos yung lab session. Pagdating ko sa room wala si ma'am. Yes, swerte. Kaya lang absent na ko sa attendance niya. Oh well, expected na yun. Tapos naalala ko, monitor pala kami! Isang malaking SHIT! nanaman. Absent ako tapos late yung lab partner ko at hindi niya alam na monitor kami. Kaya ayun medyo na badtrip si ma'am baka magtransform na yun sa tiyanak mode. Medyo lang naman daw... So ayun hindi naman siya nagmorph. Dapat ilalagay ko lang yung lab manual ko kasama ng ibang lab manual ng mga kaklase ko kaya lang pagdating ko sa teacher's table, wala na sila dun. Ibinaba na pala ni ma'am. Dammit! Sige mamya ko na lang ipapasa. Sisibat muna ako para hindi na niya ko makita. Kaya lang nung aktong lalabas na ako ng pinto ilang hakbang na lang yun, bigla naman siyang pumasok. Siyempre hindi na ako lumabas. Masyadong obvious. Nagmadali akong umupo sa table ko. Kunwari hindi ko siya nakita. Tapos pinilit kong i-convince ang sarili ko na hindi niya ako mapapansin. Kaya lang, nakita niya ko. Buti na lang, buti na lang talaga, hindi siya nagalit at medyo good mood siya. Sabi nung mga nakatingin sa kanya napangiti na lang daw. Siguro natawa dahil ang kapal ng mukha ko pumasok na ko e naghuhugas na ng mga test tube at beaker yung mga kaklase ko. Mamya-maya sinauli niya yung kaisa-isang quiz na nasagutan ko. With my luck and incompetence in naming chemicals and chemistry in general, syempre bagsak nanaman yun. OKei nanganganib na talaga ako sa lab. Ayoko naman yatang magrepeat performance dun. Pero bahala na. Pagkatapos kong makita ang nakakadismayang - over 20 na score, narinig kong ipinapasa niya yung record book namin. At dahil hindi ako nagexperiment, imposibleng magkaron ng observations yung record book ko. Zero ako for the day. Wow pede na kong mag-poultry...
Nakakawalang gana mag-lunch pagkatapos ng lahat ng kamalasan. To think na hindi pa man nangangalahati ang araw ang dami dami na nila. Medyo nakakatakot tuloy kung iisipin mo kung ano pa bang mga bagay ang pwede pang mangyari sa second half ng araw. Buti naman at lumipas ang lunch ng hindi naman ako nabubulunan o nasasamid. Mabuti rin at medyo masaya ang chem lecture namin. Kumanta si sir ng Hero (by Enrique Iglesias) hilarious! Nawindang kaming lahat sa kakatawa to think na dalawang linya lang yung kinanta niya.
Nung medyo hapon na, inaantok na ko. Dalawang araw na kong puyat. Nagkita kami ng nanay ko sa Rob sinamahan ko siya bumili ng step-in. Sumakit lang ang gastrocnemius ko. Pagbalik ko tuloy ng school pagkatapos (dahil may program pa kami) ang haggard ko na. Nasugatan pa ako sa mukha hindi ko na ikkwento kung bakit masyadong mahabang storya. Tapos medyo lousy yung prorgam kaya umuwi na rin lang ako kaagad. Yung nakatabi ko pa sa bus parang nakakainis. Arrrgghhh...
Ewan ko lang ha. Ewan talaga. Pakiramdam ko parang nasa ibang dimensyon ako kanina. Para bang nasa parallel world tapos sa world na yung puro malas lang. HIndi ko alam baka iniisip ko lang o tinubuan na ako ng balat sa glutes sa sobrang malas kong bata. Totoo ba o nahihighlight lang kasi 13 tapos Friday. HIndi ko alam at ayokong isipin. Basta. Ang ironic 'no? Pagkatapos ng Friday the 13th, Valentines. Magkasunod pa. Ang galing.. Ibig sabihin ba nito hindi na 'ko malas bukas? sana..

No comments: