Saturday, February 26, 2005

i'm back

i'm back
medyo na-kumbinsi ko na rin ang sarili kong mag-update ng blog, pagkatapos ng tatlong linggong pagiging abala (at patuloy pang pagiging abala) sa maraming bagay (lahat-lahat na yan).
marami na ring nangyari. tulad nito:

WARD 3 a.k.a. Department of Medicine ward
Kung akala ko nakita ko na ang tunay na mukha ng PGH sa ENT ward last sem, sa ward 3 ko nalaman na hindi pa pala. Baklang-bakla ang mga cases sa ENT ward kung ikukumpara sa ward 3. wala sa kalingkingan ng ward 3 ang ENT ward. Sa totoo lang, sobrang nanghina ako nung una kong ilibot ang mga mata ko sa ward 3. Alam mo yung halong pakiramdam ng awa at pagkadismaya sa nakikita mo? ganun yung feeling.

Dito, halos lahat ng pasyente may TB. Ang isang pasyenteng sa ward 3 kung di dating may TB ay siguradong magkakaron ng TB sa sobrang congested ng ward. Kung medyo compromised ang immune system mo dahil sa puyat o sa kung ano pa mang dahilan di kataka-takang kapitan ka ng TB. Kaya lahat na ng gawang pag-iwas ay nagawa na namin. Andyan yung maya-mayang pag-aalcohol at yung halos di paghinga kung wala kaming mask. Kasama na rin dyan yung pagooverdose sa Vitamin C para lang lumakas ang resistensya.

Dito, karaniwan ang isang pasyenteng kabi-kabila ang tubong nakadikit sa katawan pero mas karaniwan yung pasyenteng naburdahan na ang braso sa dami ng swero. OP ang pasyenteng hindi naka-IV fluids. OP rin yung walang tubo sa katawan. Di ko malaman, pero parang palalaan yata ng sakit dito. Mas sikat kapag mas malala. Parang ganun.

Sa ward3 mo marerealize ang totoong kahulugan ng salitang sugat. Naalala ko nagwound care kami dun sa pasyente ko. Yung sugat niya ay isang malaking abscess na sumakop sa buong likod ng ulo niya. Non-healing wound na may necrotic tissue. The rest would be up to your wild imagination. Promise. You'll never look at a wound the same way ever again.

Dito ka rin makaka-encounter ng mga pasyenteng sobrang masungit at un-welcoming. Yung mga pasyenteng mayayamutin at naninigaw tlga. well, hindi mo rin naman sila masisisi. If i were in there condition, i'd probably act the same way or maybe even worse. Ikaw ba naman, may sakit ka na nga tapos mapupunta ka pa sa isang lugar na puro may malalalang sakit ang nakapalibot sayo, ewan ko na lang kung di ka pa mabadtrip nun. But I guess they don't really have a choice, do they?

Sa ward 3 mo rin malalaman kung san nanggaling ang tagalog idiom na "umuubo ng piyano". dahil may mga pasyente pala tlgang sobrang lakas ng pag-ubo akala mo mageexpectorate ng piyano. kung hindi man, ilalabas na nila ang internal organs nila.

Matatawa ka sa ward 3 dahil ito lang yta ang ward at ang PGH lang ang ospital na merong gumagalang stray cats sa loob ng mga ward. Nakita ko with my very own eyes. Talk about sanitary health.

Ultimate ward experience ang med ward. Kahit na sobrang bwisit na bwisit ako sa CI (clinical instructor) namin. At sa bawat umagang nakikita ko siya parang sumisirko ang sikmura ko sa inis. At sa tuwing nakikita ko siya parang gusto ko siyang sulatan ng SOAPIE dahil mukha siyang chart! bwahahahaha >:D

Nagpapasalamat pa rin ako dahil iniwan ko ang ward 3 ng wala itong pinapabaon sa king sakit or whatever. SObrang salamat dahil di ako nagka-TB kahit na palagi akong pumapasok ng puyat dahil sa papers.

Oh well... hanggang sa susunod muling ward adventures.

Next Attraction: Community duties

Wednesday, February 02, 2005

the lamest 18th birthday ever invented

the lamest 18th birthday ever invented
don't ask.

i turned eighteen yesterday and i'm not thrilled being of legal age or anything. i just couldn't understand why people actually make too much of a deal out of this whole being-18 thing. i mean why can't it be 19 or 16 or 20 or any other birthday for that matter? and it sucks even more when you're a girl. i know you can think of a gazillion reasons but still i don't get it. i mean, come on. 18 roses? 18 candles? 18 treasures? 18 s? what's all that 18 stuff for anyway? total waste... or maybe it's just bitter me talking. >:D

honestly, (unlike dan) i'm not feeling any more sempai-ish now than i did 18 years ago. i exepected too much... tsk tsk.

you know what else?

natatakot na akong mag-jaywalk ngayon. kasi baka hindi lang isang malupit na Lupang Hinirang (last ko yatang kinanta to... di ko na maalala) ang abutin ko , now that i'm legal and all. :P
------------------------------------------------------------------------------------

although my actual birthday sucked as much as it did...
still a gazillion thanks to the people who remembered. you made my day so much better, promise. umaga pa lang pinasaya niyo na araw ko :D

salamat kay ma'am ramos for not noticing i was late for class last monday.

friends, salamat sa cds at sa iba pang regalo. da best silang lahat.

salamat rin sa surprise cake na pinagsaluhan natin under 10 minutes sa GAB canteen. na surprise talaga ko. muntik niyo na ko paiyakin... pero hindi! :P . ang di niyo alam umiyak ako after... hehe joke.

salamat tlga.

somebody once told me to count my blessings... i realized i couldn't count them. they're too many.