Friday, July 30, 2004

just before we plunge into another week of toxicity

nababebi-bobo nanaman ako. hindi ko alam kung kulang ako sa isip (thinking) o nasosobrahan na. minsan nangyayari yata talaga sa tao 'to. yung pakiramdam mo sobrang ingay ng mundo. pati sarili mo hindi mo na marinig mag-isip. ang isip (mind) ay nananatiling matino (sane) kung paminsan-minsan pakikinggan natin ang sasabihin nito. :)

Wednesday, July 28, 2004

the cup is not half-empty or half-full...  it's about to explode!
grrr... badtreeeeep talaga. bakit? hindi ko rin alam.  baka hormones. ewan!!! kung pwede lang sumigaw ang isip (o sige pati na rin ang puso kahit mushy) matagal ko ng ginawa. naiinis ako sa lahat pati na sa sarili ko. it indeed has been a completely, utterly BLAH day for me. like this day was doomed to be lousy and crappy and ughh, watever! yung utak ko nagmumura na (di kasi ako nagmumura ng verbal). bakit ba kailangang magkaron ng mga ganitong araw? nakakapikon.

sana bukas okay na. sana bukas hindi na kasing kasumpa sumpa ng ngayon.  sana bukas masaya. sana bukas may bukas pa rin. at kahit na patuloy kong isumpa ang ngayon, buti na lang may bukas...

*sa pagpost ko nito, July 28 na. technichally eto na yung bukas. bukas na naging ngayon. pero hindi ito yung ngayong sinusuka ng buong pagkatao ko. bahagi na yun ng kahapon. magulo pero hindi. simple pero kumplikado. EWAN!

Wednesday, July 21, 2004

resurrect

hey... this is kinda cool. after forever ngayon lang ulit ako nakapagonlyn at nagpost ng entry. uhurm... bago na pala dito sa blogger. more user-friendly (read as: for dummies). and you can even upload files already but it's a kinda complicated process for me. astig.
------------------------------------------------------------------------------------------------
'twas gabs' debut celeb last saturday. of course, picturan galore ever nanaman. oh well, that's what we do, we take pictures! and we love having our pictures taken too.  astig. dami dami nanamang pictures.  after the debut, punta kami sa bedrock. there was this long haired blonde caucasian guy sa bedrock who headbanged a lot.  like duh! hindi naman rock yung tugtog 'no. kadiri talaga kasi feeling namin may mahuhulog na kung ano mula sa ulo niya (kuto or something) habang nagheheadbang siya. ewwwwe talaga. tapos someone saw the  same guy, grab another girl's boobs (kasama yata niya yun e, and she's Pinay). stupid pervs. get a room please! 
 
so ayun, basically bedrock was fine. masaya nga e. kaya lang masyadong maraming mushy songs. aherm.. and ang aga namin umuwi.

Wednesday, July 07, 2004

dyahe. dami na namang schoolstuff, bullshit talaga. plus this fact na tuwing tuesday hanggang 8.30 kami sa school to drown ourselves in biochem. juskoooo! creepy pa naman sa faura pag ganung oras. and to think, nakaya kong lakarin mula faura hanggang masagana ng ganung oras. natawag ko na yata lahat ng santo and God knows kung gaano ang dasal ko habang naglalakad ako. kulang na lang e ako na mismo ang mag misa. nakakatakot talaga. feeling mo may bigla na lang hahatak sa'yo mula sa madidilim na sulok tapos hoholdapin ka.promise, sobrang hindi bagay ang pangalang padre faura sa padre faura.
-----------------------------------------------
nakakatawa, hindi ba nila narerealize na sobrang mali ang sabihing "fuck you ka"? redundant at para mo na ring sinabing, "fuck ka ka" o "fuck you you". kumbaga nagiging adjective ang turing sa "fuck you" imbis na ituring itong isang buong sentence. tanggap ang ibig sabihin ng "fuck you ako" (i am fuck you) kahit na problematiko ang pangungusap. ipagpalagay na hindi verb ang turing sa fuck. sino ba talaga ang fuck? ikaw(you) o ako? diba? 'wag mong sabihing hindi mo naiisip yan... dahil kung gayon edi fuck you ka rin pala. fuck you tayong lahat.

*** wga mo ng itanong kung bakit ko naisulat yan. mahabang talastasan yun. (take note: hindi diskurso, hindi rin dekonstruksiyon <-- mga tagakas2 lang makakagets niyan siguro)
this is a test. i repeat. this is a test.